Wednesday, April 02, 2014

"The Expert"

"Why are you asking me then?" you shriek inside.

I saw this article online, at super naka-relate ako.  Also in this article, is this video..



Tuesday, April 01, 2014

Commuting in the Philippines

Ever since I was allowed to go out (on my own or with friends, relatives or yaya), ako ay best in commute.  Hanggang ngayon, commute pa rin ako.  YES, hindi ako marunong mag-drive.

Masyadong mainit na usapin ngayon and transportation system sa Pilipinas (most especially ang MRT).  Dahil sa sabay-sabay na road constructions (EWAN KO BA KASI BAKIT PINAGSABAY-SABAY E!!!!!!!), most of us are forced to take the public transport para iwas traffic.

This is at the North EDSA Station of the MRT.  Kita mo na super over-flow na ng tao ang station na ito.  At this station, dito sumasakay yung mga taga Northern Part ng Manila, isama mo na mga taga-Bulacan.  Ang lala diba? Everyday yan ah..

Seeing this picture, alam mong hindi masaya ang commuting life ng mga Pinoy.  Every day, majority of the commuters have no choice but endure this. :(


If I will go to Trinoma (South to North!!!), given na ako ay mag-ko-commute (hindi kasama taxi) from our house ganito ang list ng mga sasakyan ko.

From the house, I'll ride a tricycle.  Pagkarating mga main road, pwede ako either mag-Jeep/Bus/FX hanggang Baclaran. Then from Baclaran pwede ako either derecho na ng Bus to North or jeep muna to MRT then sakay MRT to Trinoma.  Since madaming stop over ang Bus and mas matagagalan ako, MRT is the best policy talaga.

----

Madami na rin ako naranasan sa pag-ko-commute.  Ilang beses na ako nawalan ng cellphone sa bus.  Naka-witness pa ako ng malalalang shoot out sa EDSA at wala kaming nagawa kundi manatili lang sa loob ng bus na walang driver! Ilang beses na rin ako nakipag-away sa MRT pag may mga pasaway na tao.  Ang dami ko na ring tsismis na narinig habang nakasakay sa jeep pauwi.  At ang dami kong nakakatawang moment sa FX na hanggang ngayon natatawa pa rin ako pag naaalala ko.

Dahil sa pagko-commute, madami na rin akong lugar na alam puntahan.  Ako na nga rin ang tanungan ng mga kaibigan kung paano ba pumunta sa ganito etc.  I'm now a walking Google Map! Hahaha.  Dahil din sa pagko-commute, naging independent ako.  Maiintindihan mo ang buhay ng Pinoy sa pag-ko-commute.  Sa dami ng iba't ibang klaseng Pinoy (at hindi Pinoy) na nakakasabay, nakakahalubilo mo araw-araw, more or less pwede naiintindihan mo na rin ng takbo ng buhay.

----

So, san tayo next?



Thursday, March 20, 2014

Here We Go Again..

YES.  Nawalan (nanakawan) na naman ako ng cellphones.

Nakailang beses na ba ako nawalan?  Hindi ko na rin mabilang.  Nag-iiba lang naman ako ng cellphones pag luma na or pag sira na or yun nga, pag nawawalan/nanakawan.  My cellphones are either hand me downs (from Papa usually) or newly bought.

Let’s walk down memory lane..





My family’s first cellphone was this – THE FATHER OF ALL CELLPHONES!  Ang bigat!!! Hassle dalhin.  Kaya naaalala ko, hindi ito nilalagay sa bag.  Parang nasa kotse lang or naka-tayo sa mesa.  For tawag lang talaga ang cellphone dati.  Isipin mo nalang kung hindi nag-evolve ang cellphones noh? ANG HASSLE!  Super bigat siguro ng bag mo!  Or mangangalay ka kasi ang bigat ng hawak mo! Hahaha.  Ang pinakagusto ko pala sa cellphone na to yung sound ng keypad! Nakakatuwa!

Tapos nag BOSCH kami.  Eto yung may text na.  P150/month pa dati ang bayad sa Globe before.  Madami kami nag-shshare sa phone na ito.  Kaya kailangan pangalanan mo talaga yung ka-text mo para pag nakita yung name, alam nila kung para kanino yung text.  Sa pagkakaalala ko, isa o dalawa lang ka-text ko dati.  At kung sino siya/sila, SECRET. Hahaha!

ALCATEL.  Eto ang masasabi kong cellphone KO na talaga.  I saw the ad on the newspaper at natuwa naman ako kasi ang daming colors na pagpipilian.  Nag-away pa kami ni mudang dati dahil dito kasi sabi niya, “Pambabae naman tong cellphone na ito e!”  Ako naman, “May nabasa ka ba dito sa diyaryo na pambabae lang tong cellphone na ito?” Hahaha.  Ang cute diba?  One/two liner lang ata ito.

Then came, NOKIA phones.  NAPAKADAMI ko ng Nokia phones na nagamit.  Eto mga cellphones sa pictures, ang more or less na nagamit kong phone.  Hindi ko na talaga maalala yung iba.  Yung iba dyan, nawala dahil na-holdup ako sa school!  Ang saya lang ng Nokia dati.  Ang dali mag-text!  Well, yun lang naman talaga ang importante dati e.  Masaya na ako sa mga quotes, pictures messages.  Tapos nagkaroon na nung may camera, internet etc.





BLACKBERRY!!  I’m a certified BlackBerry addict!  Ang saya gamitin.  Ang sarap ipantext.  Pero ang pinaka-gusto ko talaga dito is yung BBM.  Feeling ko dati na pag naka-BlackBerry ka, chosen ones kayo.  Ilan lang din may BB dati kaya ilan lang kami naka-BBM.  Dalawang BlackBerry phones (Z10 and Q10) ko ang nanakaw. Hehe.  Miss ko na tuloy yung ease ng pag-twitweet and most especially yung pag-eemail.

Apple na lang ang hindi ko pa nagagamit (deadma na kasi ako sa ibang brands kasi di ko bet ang Android).  Meron akong iTouch kasi kasama din yun sa nawala.  Will my next phone be an Apple na?  Hmmm. Let’s see.


But for now, my every reliable Nokia phones will do.








Tuesday, February 25, 2014

PROM


It's that time of the year.. Prom pictures everywhere on my Facebook timeline! But as you recall your Prom days, ask yourselves, "Bakit nga ba kami nag-Prom?"

---

Mas naaalala ko yung Prom namin noong 4th year na ako kaysa noong 3rd Year. Noong 3rd year kami, ang pagkakatanda ako, sa school lang ito naganap! Pero noong 4th year na, we held it sa isang hotel  sa Malate (wala na siya ngayon).  Nag-Cotillion (siyempre) at ako lang naman ang napiling "Best in Dance". Ako pa ba?! Hahaha. Anyway, kumanta rin kami (4 ata kami) ng "Thank God I Found You" nil Mariah, Joe and 98 Degrees. Since hindi about ng classmate kong girl yung highnotes ni Mariah, ako ang kumanta noong part na yun! Paulit-ulit din akong sumayaw sa kantang "Waiting for Tonight" ni J.Lo!

---

So bakit nga ba kami nag-Prom? Ang alam ko lang, "Eh ganun eh. Dati pa may ganun sa school eh." 

---

Ikaw, alam mo na ba sagot?

Monday, February 10, 2014

The Return..

All of a sudden, I thought of returning to blogging.

Let's see how this will go.

-----

When Facebook and Twitter entered the Social Media arena, I found it easier for me to write blog in these sites.  Sobrang bilis kumuda lalo sa Twitter.

-----

Pero nakakasawa na din ang Facebook at Twitter, so balik Blogspot na ako.  Let's see let's see.  

-----

Wait for further chika. :)

Friday, May 04, 2012

Battle of the Sexes (G2G Action!!)

“In my humble opinion, transgenders should not be allowed to join the MissU because it's only for REAL women. “We should all make a stand. Just because it's popular, it doesn't mean that it's right.” “@realDonaldTrump in my humble opinion, the decision to include transgenders in the @MissUniverse pageant sends the wrong message. “This may set a precedent that one day most participants in @MissUniverse are transgenders. #essenceofawoman? #majormistake @realDonaldTrump”


Eto ang mga tweets ni ate kong MIriam sa issue ng pagsali ng mga transgendered sa Miss Universe.  At dahil dito, madaming beki ang nagalit kay ate mo.
-------


MY POV on the issue:

Lahat ng mga beks, noong mga bata at hanggang ngayon ay nangangarap maging beauty queen.  Nung bata pa ako, lagi akong naglalaro ng kumot o kahit anong tela at gagawin kong gown.  Ako lagi si Ms. Venezuela.  Ngayon, dumating na ang pagkakataon na pwede ng sumali ang mga transgered sa Miss Universe. Matutupad na rin ang mga minimiting pangarap ng mga beks!!!

CHE!! Kahit nung bata ako, eto man ay pangarap ko, alam ko naman kung san ko ilalagay ang sarili ko..

Sorry sa mga ka-beks ko, pero tutol talaga ako dito.  Sa tagal tagal ng panahon ng Miss Universe, biglang may ganitong eksena?  Kulang na ba ratings nila at kailangan ng kontrobersya?  Or gusto namang tumikim ng bagong putahe ni Mr. Trump? NKKLK.


Eto namang si Jenna, ambisyosa ka teh! Hindi ka pa nakuntento sa p*ke mo, gusto mo pa maging Miss Universe.

RESPETO at DELICADEZA naman kahit papaano.  Alam naman natin na kahit balibaligtarin ang mundo, kahit 10 p*ke pa magkaroon nyan, wala ka pa ring matris, at wala ka na ring Ella Mae Sison na nararamdaman dyan sa hiyas mong matuturing at alam mo sa sarili mong bakla ka pa rin.

Sasabihin discrimination ito! Gaga! Para lang itong isang wedding. Pupunta kahit alam mong wala ka sa guest list, tapos magagalit ka pag hindi ka pinapasok.

Makuha na tayong makuntento.  Inagaw na nga natin ang mga lalake sa kanila, pati ba naman pageant nila, gusto pa nating agawin.  Matutong ilagay ang sarili sa dapat kalagyan.

Pero alam niyo ba talaga kung bakit pumayag si Donald Trump na mareinstate si Jenna.  May naalala kasi siya.  May ka-pez si Jenna sa pamilyang Trump..




IVANKA TRUMP!!!

NKKLK!! Sabi ko na nga may ka-pez tong si Jenna eh!

Monday, September 12, 2011

ASTURIAS' NEXT TOP MODEL

Asturias' Next Top Model premieres September 14, 8pm Asturias Time
exclusively on http://www.facebook.com/AsturiasNextTopModel and on http://asturiasnexttopmodel.blogspot.com/

Thursday, March 10, 2011

ANTM (Asturias' Next Top Model)

Here’s a preview of the newest ONLINE Top Model Competition to hit the cyberworld by storm.


7 Young Bekis stand before you.

from 1 school

from 1 street

with 1 dream

of becoming the first..

Asturias’ Next Top Model

Tuesday, November 02, 2010

GIMIKERO/A!

Gumimik na ba kayo? Hindi ung gimik na pupunta sa bar/club ah, kundi yung gimik na ginagawa ng mga artista para sila ay mapansin.

Unang una sa listahan ay si..


Madam Auring

Sumunod naman si..
Mystica

May mas gigimik pa ba dito?

Diba? Nakuha pang magsama ng 2 to!

Recently, naGIMBAL na naman ang showbiz (pati ako!!!) sa pinaka-kacheapang gimik ng taon!

JIMBOY SALAZAR
now known as
JIMGIRL SALAZAR

Bago ko pag-usapan ang pagiging Jimgirl nya, tayo'y magbalik sa mga "attempts" nya para mapansin.

#1. Pag-iibigang MAHAL at JIMBOY.

In fairness, ginamit niya ang isang "mas" sikat sa kanyang artista. ANG TANONG: May naniwala ba?

#2. Patay na si Jimboy text.

Sinong ibang tao ang magtetext maliban sa kanya na patay na siya? At anong mapapala ng ibang tao dun? Sayang sa load. In short, si Jimboy lang din ang nagpakalat nyan.

#3. Jimgirl Salazar

Sa The Buzz siya nagreveal ng kanyang "bagong" katauhan. Diba sosyal? Sa #1 Showbiz Oriented Talk Show pa siya talaga nag-"out". Wala akong pakilam kung bading talaga si Jimboy. Pero, halatang nagpapanggap eh. Halatang nag-papaka-"effem" ma bakla. Napakitid ng utak niya sa pagiging isang bakla. Kayo na bahalang humusga pag napanuod nyo ang video na ito. Nagsususmigaw na GIMIK at kacheapan. Dinamay pa si BB. At nahawa lang daw siya ng pagiging bading nya. TIGILAN AKO!!!!!!!!!!!!!!



or http://www.youtube.com/watch?v=Z8hBFaVOrKU

sabi ko nga sa facebook post ko.. "kung ndi lang nakakabastos, nagwalk-out na si siguro si Tito Boy.. malalagay na niya ito sa kanyang "worst interview" ever.. sayang wala yung mahiwagang salamin ni Tito Boy.. sasabihin niya siguro, "Nasaharap mo ang mahiwagang salamin, ngayon hintayin mong ihampas ko sa ulo mo to ng matauhan ka sa ka-cheapan mo!""
I'm FAT


Sad to say, that's me. Ang taba ko na! Mataba na nga ako, nagsuot pa ako ng horizontal stripes na damit. Hahaha. Dati when people ask me kung bakit ako tumataba, I always answer them, "It's a sign of wealth." Well, totoo naman, pero natatabaan na ako sa sarili ko.

This is my 190th post, and yes, my official weigh in minutes before I wrote this post is 190! Kill me now!!!!

Starting today, magsisimula na ako magpapayat. Para pag sa pasko, madaming kainan, ndi na ako mas bumigat pa sa 190!

Please pray for me and my endeavor.

Sunday, October 31, 2010

Happy Halloween!


Concept: Raped Beauty Queen. :)
Photographer: Arjay Legaspi
Styling: Jade Gonzales
Venue: EP Office

Tuesday, September 07, 2010

Battle of the Brapanese!



Parang ang taba ni Akihiro dito noh? Hindi matatawarana ng abs ni Daniel.


Diba? Winner din ang Apollo's belt (tama ba?) ni Daniel.. Bakit ang taba dito ni Akihiro?


Ready mga teh sa inyong Buldge Meter..


Fabio Ide: Nakababa?


Daniel Matsunaga: Palad lang ang katapat?

Akihiro Sato: Teh, mali ata minimeasure mo..


Fabio, Daniel or Akihiro?

From the very start, Akihiro ako. :)

Kayo mga teh?

Thursday, August 26, 2010

Win na Win kay Baldwin!


Hahaha! Diba Win na Win! Pero hindi yan ang subject ng blog ko.

Nagbalik na naman ang alala ng aking High School days dahil sa Miss Universe 2010. Hindi dahil mahilig ako maglaro ng beauty contest sa amin at ako lagi ang Venezuela, kundi dahil sa isang lalaking nakalimutan kong naging parte ng buhay ko.


Siya ay si William Baldwin.
Bata pa siya dito (dahil ito yung face niyang crush ko siya at
hindi yung ngayong matanda na siya).

Siya ay isa sa mga judge ng Miss Universe 2010 at siya pa ang nagtanong kay Ma. Venus Raj na ikinaloka ng marami (ang sagot, ndi dahil kay William).


Una ko siyang nasilayan sa movie na Backdraft. Siya ay isang bombero dito. Mga ilang beses ko ding pinanuod ang pelikulang ito ng paulit-ulit. Bakit kamo? Click here.

Sumunod ay sa Fair Game, kung saan kasama niya si Cindy Crawford. Sobrang gwapo niya dito. Meron din silang steamy na scene sa loob ng train (ata?).


Sa pelikulang ito huli ko siyang nakita. Dito na kami naghiwalay. Iniwan niya akong nag-iisa, pagtapos niya akong gamitin ng paulit-ulit. Dito ko nalaman sa pelikulang ito na tunay pala akong babae dahil sa nararamdaman ko pag nakikita ko siya dito at lalo na dito.

Salamat sa Ms.U at nagkita kaming muli. Kahit sandali lang. :)

Tuesday, August 24, 2010

Ang Ending ng Miss U.


Bahala na ang video na ito.
It's still a good night.

Good Night Universe! :)

This will sum up the emotions ng lahat
ng Pinoy na Bakla san man sa mundo. :)



Ang Miss Universe 2010
(dahil dito, napablog ako ulit!)

Nung 23 pa lang ng gabi, ako ang excited at pinilit matulog ng maaga para kinabukasan ay magising naman ako ng maaga para mapanuod ang Miss Universe 2010 sa ABS-CBN.

Nag-alarm ako ng 9:10 am, nakatulog ako ulit. Buti nagising ako ulit ng 9:35 am. Sabi ko sa sarili ko, "Shit! Shit! Shit!" Dali-dali kong binuksan ang TV and to my disappointment, ang nasa TV ay "Simply KC" pa din!

Buti naisip ko na pinapalabas rin pala ito sa Star World. So dun na ako nanuod. Ung part na sa Star World ay yung swimsuit na. KInakabahan ako kasi ang dami ng tinawag na bilat, walang Philippines. Tapos biglang ang huling babae tinawag ay, "Miss Philippines!" So nasa mood na ako. Kinakabahan ako at the same time excited.

Tapos brino-browse browse ko ulit sa Ch. 2 dahil hindi pwedeng hindi ko mapanuod ang opening ng Miss Universe at ang pagtawag kay Venus sa Top 15.

Tapos Top 10 na. Tinawag si Venus ng mas maaga. Hindi siya panghuli.

Top 5. Super kabado. Tinawag na isa isa. Ang huli ulit, "Miss Philippines!" Hindi ko batid na senyales pala ang twice na pagkaka-tawag kay Venus na last. Hmm.

Final Question. Hindi ko na masyado inentertain yung sagot ng iba. Mga snippets nalang ang napapansin kong moments. Pero nung Philippines na, I was very attentive. High School crush ko pa naman si William Baldwin, as in!!!

Maria Venus Raj (Miss Universe 2010 4th Runner Up) Salamat at kahit papano panandaliang nakalimutan ng mga Pilipino ang trahedya sa hostage taking nang MAJOR MAJOR.

Dun na. Dun na ako nawala. I told myself, "4th na si Ate". :( True enough, 4th runner.

After ng pangyayaring ito, nagdagsaan na ang Tweets, FB statuses (eto rin ba ang plural ng status?), blog entries na for and against sa nangyari.

Share ko na lang mga status ko sa FB.

MY THOUGHTS KAY VENUS: Teh, un na teh eh. Nandun ka na, sinayang mo. To think sayo ang pinakamadaling sagutin ang Final Question. May mga cliche-ic answers na nga sa tanong na yun eh. Hindi kasi "thank you to etc etc" ang sagot sa tanong.. Kitang kita naman kasi 4th runner up ka teh. Masyado ka cguro natuwa sa suportters mo.. Congrats na din kasi out of the 80+ candidates, naka top 5 ka. Pero sayang. SAYANG VENUS.

Last Status ko



Iba't iba man tayo ng opinion, ngunit alam natin kung ano tama at ang mali. Dun ako naiirita. Hindi ko sinisiraan si Venus, ung sagot nya at ginawa niya ang di ko gusto. Beauty Queen ka ate, nagtraining ka sa Columbia, wala kang karapatang kakitaan ng kaba. Hindi rason yun para maligwak ka sa Q&A. Kahit nga ikaw teh, sabi sa Twitter, " RT @KCMontero: Venus Raj is laughing off her Q and A blunder. That's my type off girl, someone who can laugh at their mistakes. That's why I laugh a lot." See, natawa ka din sa ginawa mo. Remember iba ang natawa sa natuwa.

ITIGIL NA KA-IPOKRITAHAN!

Parang simpleng case ito ng isang batang nadapa at nagkagalos. Sasabihin ng Nanay, "Wala yan anak, hindi yan masakit. Malayo sa bituka yan." Eh kitang kita mo namang umiiyak / humahagulgol ung bata! So, masakit sya! Parang dito lang, huwag nyong sabihing "OK LANG" dahil alam nating hindi "OK LANG". Sayang ang nangyari. SAYANG. SAYANG talaga.



at least we know, democracy is still alive kasi iba-iba tayo ng pananawa at nakakapag-voice out tayo ng sentiments natin.. :)

Tuesday, March 30, 2010

Bakla daw si Ricky?

Oo naman! Bakla si Mama Ricky!.. A ibang Ricky ba tinutukoy nyo?







ANO BA? Si Ricky Martin lang pala. OO BAKLANG BAKLA YAN.
Sino kayang next na celebrity ang NA OBVIOUS NG BAKLA na aamin?


NAKAKALOKA.

Wednesday, March 03, 2010

March 1

Events (from wikipedia)