Monday, January 16, 2017

Thai "BL" Series

My current addiction - Thai "BL" Series.

My first encounter with a Thai BL movie was "Love of Siam". Wala atang bakla na hindi alam ang movie na yun. At dun din nalaman ng lahat kung sino ang isang Mario Maurer. Up to now, he's still a big hit here in the Philippines. Ilang beses ko rin itong pinanuod.


Love of Siam (photo not mine)

Then came Hormones. Eto series na. I chanced upon this sa Twitter. May isa akong friend dun na nagpopost about this Thai series (Lakorn).  Hindi siya pure BL na series. Pero interesting din ang story niya kasi. After this, matagal na akong walang napanuod.

Hormones (photo not mine)
And then came, LOVESICK THE SERIES. Dito na nag-peak ang aking Thai BL Series obsession. Super relate at super iyak ako everything I watch this. I watched this sa YouTube. Pero di ko talaga matandaan paano ko one day biglang nakita to sa YouTube. Dinowload ko siya para kahit wala akong internet eh mapanuod ko pa rin siya. 36 episodes siya and up to date, mga 30 times ko na ata siyang napanuod! And after this, ilang BL series na rin napanuod ko, but this is still my favorite. And Phun and Noh is my favorite BL couple ever.

Noh (Captain) and Phun (White)
Photo from YouTube

Did I mention na I went to Bangkok for my birthday because I wish to see them there? Sadly, di ko sila nakita. Pero I saw the places kung saan sila nag-shoot and I died instantly. Well ito, nabuhay pa rin naman ako after. :)

And dito pala sa Pinas eh marami ring fans ng BL series. Dati kasi wala ako masabihan ng aking addiction, kasi sa mga friends ko, ako lang ang nanunuod. Kaya thanks sa Facebook at naki-connect ako sa mga BL fans! Ang saya lang! :)



2017

Happy New Year!

Wednesday, May 27, 2015

BAKLA AKO AT HINDI AKO IMORAL

READ WITH CAUTION. I WARNED YOU. Mabuti ng mapag-usapan na ngayon kesa lumala pa!
UNFOLLOWED someone dahil sa opinion niya regarding this article…
“It’s a Sodom and Gomorrah waiting to happen” daw.. And “in all angle, it’s immoral.”
WOW. Alam ko may kanya kanya tayong opinyon sa buhay at walang may monopolya ng opinyon! Pero sabihin mong “IMMORAL” ang mga bakla? Dahil against ito sa religion mo? WOW! Baka may mali sa religion ninyo? KELAN TINURO SA RELIHIYON NA MANG-JUDGE AT TAWAGING IMORAL ANG KAPWA NINYO?!“
Sasabihin niyo, "Ok naman maging bakla, huwag lang yung homosexual act!” NAG-IISIP BA KAYO?! Pwede mo bang i-exclude yung HOMOSEXUAL ACT sa HOMOSEXUAL PERSON?! Eh di hindi na siya BAKLA kung wala yung act?!
Hindi lahat ng bakla/tibo ay gustong magpakasal. May iba na gusto, may iba na yun ang magpapasaya at magpapatibay ng relasyon nila. Kayo bang mga RIGHTEOUS “CHILDREN OF GOD” HETEROSEXUALS, pinigilan ba namin kayong magpakasal? Ikinasal nga kayo, EH ANO NAMAN ANG GINAWA NINYO SA RIGHT NA BINIGAY SA INYO?! NAGHIWALAY. NAGHANAP NG KABET. GUMAWA NG ANAK SA ILANG BABAE. GINAMIT ANG ASAWA. ETC ETC ETC!
LAHAT NG MGA STRAIGHT NA KAIBIGAN KO DITO SA FACEBOOK, KUNG SA TINGIN NIYO IMORAL AKO AT LAHAT NG MGA KAIBIGAN KONG BAKLA/TIBO, PAKI-UNFRIEND NA AKO AGAD AGAD. PLASTIC KA PALA! MAGKAALAMANAN NA! TANGINA NINYO!
KUNG TINGIN NIYO IMORAL ANG MGA KABILANG SA LGBT, GO! DIBALE NG MAGING BAKLA KESA MAGING KURAKOT, MAGNANAKAW, BABAERO, DRUG ADDICT, OPORTUNISTA, MANGGAGAMIT, MAMAMATAY TAO, RAPIST!
Let me use your words “When the Judgement Day comes,” tignan ko lang kung saan ka pupulitin!
NAM-MYOHO-RENGE-KYO NAM-MYOHO-RENGE-KYO NAM-MYOHO-RENGE-KYO

Wednesday, April 02, 2014

"The Expert"

"Why are you asking me then?" you shriek inside.

I saw this article online, at super naka-relate ako.  Also in this article, is this video..



Tuesday, April 01, 2014

Commuting in the Philippines

Ever since I was allowed to go out (on my own or with friends, relatives or yaya), ako ay best in commute.  Hanggang ngayon, commute pa rin ako.  YES, hindi ako marunong mag-drive.

Masyadong mainit na usapin ngayon and transportation system sa Pilipinas (most especially ang MRT).  Dahil sa sabay-sabay na road constructions (EWAN KO BA KASI BAKIT PINAGSABAY-SABAY E!!!!!!!), most of us are forced to take the public transport para iwas traffic.

This is at the North EDSA Station of the MRT.  Kita mo na super over-flow na ng tao ang station na ito.  At this station, dito sumasakay yung mga taga Northern Part ng Manila, isama mo na mga taga-Bulacan.  Ang lala diba? Everyday yan ah..

Seeing this picture, alam mong hindi masaya ang commuting life ng mga Pinoy.  Every day, majority of the commuters have no choice but endure this. :(


If I will go to Trinoma (South to North!!!), given na ako ay mag-ko-commute (hindi kasama taxi) from our house ganito ang list ng mga sasakyan ko.

From the house, I'll ride a tricycle.  Pagkarating mga main road, pwede ako either mag-Jeep/Bus/FX hanggang Baclaran. Then from Baclaran pwede ako either derecho na ng Bus to North or jeep muna to MRT then sakay MRT to Trinoma.  Since madaming stop over ang Bus and mas matagagalan ako, MRT is the best policy talaga.

----

Madami na rin ako naranasan sa pag-ko-commute.  Ilang beses na ako nawalan ng cellphone sa bus.  Naka-witness pa ako ng malalalang shoot out sa EDSA at wala kaming nagawa kundi manatili lang sa loob ng bus na walang driver! Ilang beses na rin ako nakipag-away sa MRT pag may mga pasaway na tao.  Ang dami ko na ring tsismis na narinig habang nakasakay sa jeep pauwi.  At ang dami kong nakakatawang moment sa FX na hanggang ngayon natatawa pa rin ako pag naaalala ko.

Dahil sa pagko-commute, madami na rin akong lugar na alam puntahan.  Ako na nga rin ang tanungan ng mga kaibigan kung paano ba pumunta sa ganito etc.  I'm now a walking Google Map! Hahaha.  Dahil din sa pagko-commute, naging independent ako.  Maiintindihan mo ang buhay ng Pinoy sa pag-ko-commute.  Sa dami ng iba't ibang klaseng Pinoy (at hindi Pinoy) na nakakasabay, nakakahalubilo mo araw-araw, more or less pwede naiintindihan mo na rin ng takbo ng buhay.

----

So, san tayo next?



Thursday, March 20, 2014

Here We Go Again..

YES.  Nawalan (nanakawan) na naman ako ng cellphones.

Nakailang beses na ba ako nawalan?  Hindi ko na rin mabilang.  Nag-iiba lang naman ako ng cellphones pag luma na or pag sira na or yun nga, pag nawawalan/nanakawan.  My cellphones are either hand me downs (from Papa usually) or newly bought.

Let’s walk down memory lane..





My family’s first cellphone was this – THE FATHER OF ALL CELLPHONES!  Ang bigat!!! Hassle dalhin.  Kaya naaalala ko, hindi ito nilalagay sa bag.  Parang nasa kotse lang or naka-tayo sa mesa.  For tawag lang talaga ang cellphone dati.  Isipin mo nalang kung hindi nag-evolve ang cellphones noh? ANG HASSLE!  Super bigat siguro ng bag mo!  Or mangangalay ka kasi ang bigat ng hawak mo! Hahaha.  Ang pinakagusto ko pala sa cellphone na to yung sound ng keypad! Nakakatuwa!

Tapos nag BOSCH kami.  Eto yung may text na.  P150/month pa dati ang bayad sa Globe before.  Madami kami nag-shshare sa phone na ito.  Kaya kailangan pangalanan mo talaga yung ka-text mo para pag nakita yung name, alam nila kung para kanino yung text.  Sa pagkakaalala ko, isa o dalawa lang ka-text ko dati.  At kung sino siya/sila, SECRET. Hahaha!

ALCATEL.  Eto ang masasabi kong cellphone KO na talaga.  I saw the ad on the newspaper at natuwa naman ako kasi ang daming colors na pagpipilian.  Nag-away pa kami ni mudang dati dahil dito kasi sabi niya, “Pambabae naman tong cellphone na ito e!”  Ako naman, “May nabasa ka ba dito sa diyaryo na pambabae lang tong cellphone na ito?” Hahaha.  Ang cute diba?  One/two liner lang ata ito.

Then came, NOKIA phones.  NAPAKADAMI ko ng Nokia phones na nagamit.  Eto mga cellphones sa pictures, ang more or less na nagamit kong phone.  Hindi ko na talaga maalala yung iba.  Yung iba dyan, nawala dahil na-holdup ako sa school!  Ang saya lang ng Nokia dati.  Ang dali mag-text!  Well, yun lang naman talaga ang importante dati e.  Masaya na ako sa mga quotes, pictures messages.  Tapos nagkaroon na nung may camera, internet etc.





BLACKBERRY!!  I’m a certified BlackBerry addict!  Ang saya gamitin.  Ang sarap ipantext.  Pero ang pinaka-gusto ko talaga dito is yung BBM.  Feeling ko dati na pag naka-BlackBerry ka, chosen ones kayo.  Ilan lang din may BB dati kaya ilan lang kami naka-BBM.  Dalawang BlackBerry phones (Z10 and Q10) ko ang nanakaw. Hehe.  Miss ko na tuloy yung ease ng pag-twitweet and most especially yung pag-eemail.

Apple na lang ang hindi ko pa nagagamit (deadma na kasi ako sa ibang brands kasi di ko bet ang Android).  Meron akong iTouch kasi kasama din yun sa nawala.  Will my next phone be an Apple na?  Hmmm. Let’s see.


But for now, my every reliable Nokia phones will do.








Tuesday, February 25, 2014

PROM


It's that time of the year.. Prom pictures everywhere on my Facebook timeline! But as you recall your Prom days, ask yourselves, "Bakit nga ba kami nag-Prom?"

---

Mas naaalala ko yung Prom namin noong 4th year na ako kaysa noong 3rd Year. Noong 3rd year kami, ang pagkakatanda ako, sa school lang ito naganap! Pero noong 4th year na, we held it sa isang hotel  sa Malate (wala na siya ngayon).  Nag-Cotillion (siyempre) at ako lang naman ang napiling "Best in Dance". Ako pa ba?! Hahaha. Anyway, kumanta rin kami (4 ata kami) ng "Thank God I Found You" nil Mariah, Joe and 98 Degrees. Since hindi about ng classmate kong girl yung highnotes ni Mariah, ako ang kumanta noong part na yun! Paulit-ulit din akong sumayaw sa kantang "Waiting for Tonight" ni J.Lo!

---

So bakit nga ba kami nag-Prom? Ang alam ko lang, "Eh ganun eh. Dati pa may ganun sa school eh." 

---

Ikaw, alam mo na ba sagot?

Monday, February 10, 2014

The Return..

All of a sudden, I thought of returning to blogging.

Let's see how this will go.

-----

When Facebook and Twitter entered the Social Media arena, I found it easier for me to write blog in these sites.  Sobrang bilis kumuda lalo sa Twitter.

-----

Pero nakakasawa na din ang Facebook at Twitter, so balik Blogspot na ako.  Let's see let's see.  

-----

Wait for further chika. :)