Thursday, November 30, 2006

SAGING ni MARK LAPID

one of the most memorable lines in Philippine Cinema..
pwedeng-pwede ng ihanay sa mga dekalidad na pelikulang Pilipino..

pansinin nyo ang determination at faith ni Mark Lapid..
galit na galit siya..
pang best actor.. ULOL!

enjoy..!!



mark, pasenxa ah..
naniniwala na ako sayo..
ndi mo na dapat ulit-ulitin pa!

(buti hindi siya binaril ni Dick Israel dahil sa lakas ng boses nya!)

Tuesday, November 21, 2006

PACQUIAO-MORALES


everybody watched the fight..
Pacquiao won..
sabi nga, "Pilipino ang tumapos!"

pero sa mga ibang baklang nakapanood nung laban..
iba ang pananaw..
ndi naman yung laro ang interest..
AMININ NIYO..!!

yes..
si Erik Morales..!!
ang hot nya..!
as in super hottie..!!

hay..
nakita nyo ba ang fez nya nung natumba for the 2nd time?
cutie..
hahaha..

pero ang boxing pala nakakatanda noh?!
27 lang si pacquiao..
30 na si morales..
pero mukha na silang matatanda..!!

wawang morales..
wit na career..
buti pa si VINA..!!!!
nag-eenerva!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Friday, November 17, 2006

My Latest Craving

Shux.. Almost everyday akong bumibili nito.. Kaya yun, nauubos baon ko..!! Grr... As if naglilihi ako.. (Ambisyosa!!) When I went to Subic, super mura nun doon.. Mga P70.00 lang.. eh dito sa Manila, goodluck naman.. P118.00..!! pero worth it naman..!! But wait, pero hindi ko naman kayang lafangin ito ng1 day lang noh?! Mga 2 days naman.. Sa gabi ko siya laging kinakain while nakahilata sa couch watching TV.. o diba? very couch potato.. kaya ako tumataba eh.. at least 0% cholesterol..!! healthy pa rin.. hahaha..!! buy na kayo..!!! ang sarap..!!!! By the way, hindi pa ito maituturing na junk food.. Dahil according sa BFAD, there's no such thing as junk food.. Dahil hindi naman daw nila iaapprove ang isang fudang na ibenta sa market kung JUNK ito.. Tama naman sila diba? Eh fine, kung healthy junkie kayo, wag kayong lumafang nito.. Wala itong Sangkap Pinoy Seal.. Lumafang na lang kayo ng Pidro Salt.. Maalat din yun.. Pampatalino din yun diba? Murayra pa..!!

Wednesday, November 15, 2006

KARMA
(yup, ang inyong Tita Carmi Martin!)

we always use the word, "karma"..
as in, "hayaan mo siya, makakarma naman siya."
laging bad yung connotation natin sa word na ito..
the following texts below explains what Karma really is..
it's not as simple as "kung anong ginawa mo, yun din ang babalik sayo!"

Even within Asia, where the concept of karma has a long history and has been incorporated in a wide range of cultures, it is often misunderstood. Viewed from a negative, backward-looking perspective, karma has been used to encourage the disadvantaged members of society to accept their situation in life as being of their own making. Present suffering is attributed to negative causes made in the past.

Considering themselves to blame for their situation, some people have fallen prey to a sense of powerlessness. This is, however, a distortion of the original meaning of karma as it is used in the Buddhist tradition. To accept the idea of karma does not mean to live under a cloud of guilt and vague anxiety, not knowing what bad causes we may have made in the past. Rather, it means to be confident that our destiny is in our own hands and that we have the power to transform it for the better at any moment.
In the simplest terms, karma, which means actions, indicates the universal operation of a principle of causation, similar to that upheld by modern science. Science assures us that everything in the universe exists within the framework of cause and effect. "For every action, there is an equal and opposite reaction," is a familiar principle. The difference between the materialistic causality of science and the Buddhist principle of karma is that the latter is not limited to those things that can be seen or measured. Rather, it includes the unseen or spiritual aspects of life, such as the sensation or experience of happiness or misery, kindness or cruelty. In an address delivered in 1993, SGI President Ikeda described these different approaches. The Buddhist concept of causal relations, he wrote:

. . . differs fundamentally from the kind of mechanistic causation which, according to modern science, holds sway over the objective natural world--a world divorced from subjective human concerns. Causation, in the Buddhist view, spans a more broadly defined nature, one that embraces human existence. To illustrate, let us assume that an accident or disaster has occurred. A mechanistic theory of causation can be used to pursue and identify how the accident occurred, but is silent regarding the question of why certain individuals should find themselves caught up in the tragic event. Indeed, the mechanistic view of nature requires the deliberate forestalling of such
existential questionings.

In contrast, the Buddhist understanding of causation seeks to directly address these poignant "whys?"

Originally, the Sanskrit word karma meant work or office, and was related to verbs that mean simply "do" or "make." According to Buddhism, we create karma on three levels: through thoughts, words and actions. Acts of course have a greater impact than mere words. Likewise, when we verbalize our ideas, this creates more karma than merely thinking them. However, since both words and deeds originate in thoughts, the contents of our hearts--our thoughts--are also of crucial importance.

Karma can be thought of as our core personality, the profound tendencies that have been impressed into the deepest levels of our lives. The deepest cycles of cause and effect extend beyond the present existence; they shape the manner in which we start this life--our particular circumstances from the moment of birth--and will continue beyond our deaths. The purpose of Buddhist practice is to transform our basic life tendency in order to realize our total human potential in this lifetime and beyond.

As one of the ancient Buddhist texts states: "If you want to understand the causes that existed in the past, look at the results as they are manifested in the present. And if you want to understand what results will be manifested in the future, look at the causes that exist in the present."

Karma is thus, like everything, in constant flux. We create our own present and future by the choices we make in each moment. Understood in this light, the teaching of karma does not encourage resignation, but empowers us to become the protagonists in the unfolding drama of our lives.

Wednesday, November 08, 2006

LANSONES..!!

Super addicted na talaga ako sa prutas na ito.. Everyday na lang ata, gusto kong kumain nun.. Pag nagcocommute me (as if naman hindi lage), pag may nadadaan me fruit stand, i'd really buy lansones.. Sarap..!! Minsan, when I'm with my buddhist friends, we'd buy 1 kilo (split into two) tapos we'd eat it habang naglalakad papunta sa aming destination.. At maghahanap talaga kami ng place kung san we could sit and finish it all up..! Mahal na nga lansones ngayon eh.. Dati P25 per 1/2 kilo, ngayon P35 na.. Kahit na ganun, no choice but to buy..

Alamat ng Lansones
(diba dapat pag alamat ibig sabihin kung ssan nagsimula? eh sa kwento, meron na talagang bunga na lansones.. ang alamat dito kung paano naging edible 'to! hay.. nothing beats Alamat ng Pinya!!)

Tumunog ang kampana sa munting Kapilya ng isang nayon sa bayan ng Paete, lalawigan ng Laguna. Napabalikwas si Manuel at masuyong ginising ang nahihimbing na kabiyak. "Gising na Edna, at tayo'y mahuhuli sa misa." Marahang nagmulat ng mga mata ang babae, kumurap-kurap at nang mabalingan ng tingin ang asawa ay napangiti.

Mabilis na gumayak ang mag-asawa upang magsimba sa misang minsan sa isang buwan idinaraos sa kanilang nayon ng kura paroko ng bayan. Hindi nagtagal at ang mag-asawa ay kasama na sa pulutong ng mga taga-nayong patungo sa Kapilya. Magkatabing lumuhod sa isang sulok ang magkabiyak at taimtim na nananalangin. "Diyos ko," and marahang panalangin ni Edna, "Patnubayan mo po kami sa aming pamumuhay, nawa'y huwag magbago ang pagmamahal sa akin ni Manuel." Si Manuel naman ay taimtim ding dumadalangin sa kaligtasan ng asawa, na alam niyang nagtataglay sa sinapupunan ng unang binhi ng kanilang pag-iibigan.

Nang matapos ang misa ay magiliw na inakay ni Manuel ang kabiyak at sila'y lumakad na pauwi sa kanilang tahanan. Sa kanilang marahang paglalakad ay biglang napahinto si Edna.
"Naku! kay gandang mga bunga niyon," ang wika kay Manuel sabay turo sa puno ng lansones na hitik na hitik sa bunga. "Gusto ko niyon, ikuha mo ako," ani Ednang halos tumulo ang laway sa pananabik. Napakurap-kurap si Manuel. Hindi niya malaman ang gagawin. Alam niyang ang lansones ay lason at hindi maaring kainin ngunit batid din naman niyang nagdadalang-tao ang asawa at hindi dapat biguin sa pagkaing hinihiling. Sa pagkakatigagal ng lalaki ay marahan siyang kinalabit ni Edna at muling sumamong ikuha siya ng mga bunga ng lansones.

"Iyan ay lason kaya't hindi ko maibibigay sa iyo." Pagkarinig ni Edna sa wika ng asawa ay pumatak ang luha. Sunod-sunod na hikbi ang pumulas sa kanyang mga labi. Parang ginugutay ang dibdib ni Manuel sa malaking habag sa asawa ngunit tinigasan niya ang kanyang loob.

Masuyong inakbayan ni Manuel ang asawa at marahang nangusap. "Huwag na iyan ang hilingin mo, alam mo namang iya'y lason. Hayaan mo at pagdating natin sa bahay ay pipitas ako sa duluhan ng mga manggang manibalang."

Walang imikan nilang tinalunton ang landas patungo sa kanilang tahanan. Ang maaliwalas na langit ng kanilang pag-iibigan ay biglang sinaputan ng ulap. Ni hindi sinulyapan ni Edna ang mga manggang manibalang na pitas ni Manuel sa kanilang duluhan. Ang babae'y laging nagkukulong sa silid, ayaw tumikim man lamang ng pagkain at ayaw tapunan ng tingin ang pinagtatampuhang asawa.

Hindi nagtagal ang babae'y naratay sa banig ng karamdaman. Hindi malaman ni Manuel ang gagawin sa kalunoslunos na kalagayan ng asawa."Edna, ano ba ang dinaramdam mo?" lipos na pag-aalalang wika ni Manuel habang buong pagsuyong hinahaplos ang noo ng maysakit.

Marahang iling lamang ang itinugon ng nakaratay at dalawang butil ng luha ang nag-uunahang gumulong sa pisngi. Balisang nagpalakad-lakad si Manuel sa tabi ng maysakit. Hindi niya matagalang tignan ang payat na kaanyuan ngayon na kaibang-kakaiba sa dating Ednang sinuyo niya't minahal. Wala na ngayon ang namumurok na pisngi, ang dating mapupungay na mga mata'y malalamlam, wala na ang ningning ng kaligayahan, maputla ang dati'y mapupulang mga labi at mistulang larawan ng kamatayan.

Noong hindi na niya makaya ang damdaming lumulukob sa kanyang pagkatao ay mabilis siyang nagpasiya. Kukunin niya ang mga bunga ng lansones. Ang bunga ng kamatayang pinakamimithi ng kanyang asawa. Sa wakas ay isinuko rin niya ang katigasan ng kanyang loob, dahil sa matinding habag sa kabiyak.

Nanaog siya at tinungo ang puno ng lansones. Nanginginig ang kamay na pinitas ang isang kumpol ng bunga ng kamatayan.

"Diyos ko, tulungan mo po kami, pinakamamahal ko ang aking asawa at wala ng halaga sa akin ang buhay kung siya'y mawawala pa sa aking piling," nangangatagal ang mga labing marahan niyang naiusal kasabay ng mariing pagpikit ng mga mata. Sunod-sunod na patak ng luha ang nalaglag sa pagkagunitang ang bungang iyon ang tatapos sa lahat ng kanilang kaligayahan.

Sa pagmumulat niya ng paningin siya'y nabigla. Anong laking himala! May nabuong liwanag sa kanyang harapan at gayon na lamang ang kanyang panggigilalas noong iyon ay maging isang napakagandang babaing binusilak sa kaputian. Humalimuyak ang bangong sa tanang buhay niya ay noon lamang niyang masamyo. Sa tinig na waring isang anghel ay marahang nangungusap ang babae. "Anak ko, kainin mo ang bungang iyong hawak."

Nagbantulot sumunod si Manuel sapagkat alam niyang ang bungang iyon ay lason. Sa nakitang pagaalinlangan ni Manuel ay muling nangusap ang babaeng nakaputi. "Huwag kang matakot, kainin mo ang bungang iyong hawak." Pagkasabi noo'y kumuha ng isang bunga sa hawak na kumpol ni Manuel at ito'y marahang pinisil.

Mawala ang takot ni Manuel at mabilis na tinalupan ang isang bunga ng lansones. Anong sarap at anong tamis! Nang ibaling niya ang paningin sa babaeng nakaputi ay nawala na ito. Biglang naglaho at saan man niya igala ang kanyang mata ay hindi makita. "Salamat po, Diyos ko!" ang nabikas ni Manuel. Biglang sumigla ang katawan ni Manuel at hindi magkandatutong pinitas ang lahat ng mga bungang makakaya niyang dalhin at nagdudumaling umuwi sa naghihintay na asawa.

Wednesday, November 01, 2006

All Saints' Day Na!

totoo kaya ang mga ghost sightings?
ndi pa naman kasi ako nakakaexperience ng the real thing..
puro yung sa tv lang and kwento..
totoo kaya?

for me kasi, To See is To Believe..
pero ayoko ko rin makakita in case totoo man..
creepy..

ayoko rin magka-3rd eye..
sobrang scary..
maya't maya na lang may nararamdaman at nakikitang dedz..!!!
no way..!!!

natakot kaya me ng slight dun sa pinalabas ng Bayan Productions..
diba nung Sunday meron after PDA?
scary..
hosted by Kath de Castro and Albert Martinez..
kinikilabutan me sa ibang scene..
scary talaga..

***
para sa mga mahihina ang puso, don't watch...!

GHOST SIGHTING caught on TAPE
London Dungeon CCTV