Monday, August 27, 2007
(not inspired from the movie)
chos!
napanuod ko na ang A Love Story.
pero ndi pa ito yung post tungkol dito at ang aking realization from the watching the movie.
intay lang muna, hindi pa ako ready.
Ang story..
2 babae, 1 lalake.
Si lalake, matagal ng hindi sila ni babae.
May babae na rin siyang bago.
Si bagong babae, may basbas ni dating babae.
KABOGERA!
Watch. (as usual, naka-disabled na naman ang embed feature. LECHE!)
Michelle Van Eimeren - Ogie Alcasid - Regine Velasquez
Si Michelle na nagsabi.
"She's my family.."
regine = kabogera!
Saturday, August 25, 2007
NAKAKALOKA.
of all shows, Wowowee pa ang nakitaan ng scam.
gosh,ang show na ang layunin ay tumulong sa mga poors nandadaya?
sa video na ito, mapapansin na ang wheel ay dalawang film.
ung isa O, yung isa 2 (meaning 2 million).
pwede pa lang silang magdecide kung sino ang tutulungan nila.
hindi na pala ito game of chance, of choice na pala.
nakakapanghinayang lang.
sino ba ang hindi nakakaalam at nakakaalala sa greatest scam of all time na ata sa larangan ng showbiz?
clue: Take it! Take it!
click here.
(naka-disabled kasi yung embed function, kaya click nyo na lang!)
Thursday, August 23, 2007
CLUE: Kepyas!
Naloka ako sa na-encounter sa isang blog. Isang bagay na never kong bibilhin at gagamitin. Kahit libre pa yan. Isang siyang pabango, pero hindi siya pabango. Scent kung baga. Pero hindi mo siya gagamitin as pabango. Lalagay mo lang sa hand mo tapos amoy amoyin mo lang. Ano ito?
Ito ay.. VULVA Original!
Pangalan palang kinikilabutan na ako. Lalo na siguro pag nakita nyo ang mga ad nito. Good luck talaga.
Ayokong maglagay ng mga pictures dito patungkol sa produkto. Lagi kasing may bilat na kasama sa picture na naka-topless. Hay panoorin nyo na lang ang video? (Thanks to Chuckie Dreyfus)
So, bibili ka ba nyan?
Buti pa sa mga bading madali at mura lang makakuha ng scent na ganyan noh?! Kahit sa available siya. May variation na ngayon ng scents to choose from. Pwede ka pang maglinis! Kaya, buy na! Sabi nga ni AiAi, "Rampa Na!" (sayang hindi available yung commercial with AiAi)
Tuesday, August 21, 2007
Parlor. Barberia. Pagupitan. Kung ano man ang tawag mo, kebs na! Kakapagupit ko lang kasi ulit nung Sunday. Simula ng magka-Bench Fix Salon, dun na ako lagi nagpapagupit. P185.00 lang ang pagupit. Lahat na ata ng bading, bi-sexual, you name it nagpapagupit dun. May mga straight cute guys kahit papaano. Hindi ako choosy sa stylist, kahit sinong available, carry na (ayoko lang talagang maghintay). So, I never get the same haircut (though isa lang ang hair style).
Sidenote:
Sa movie na "Brokenhearts Club", gay film siya, therapy ang tawag nila pag pumupunta sila sa salon. Kasi dun nila na-vevent out sa mga hairdresser yung mga hinanakit nila sa mundo. Para may kausap ka ring psychologist/psychiatrist.
Ewan ko ba? Sa mga parlor-parloran siguro magagawa mo yan. Pero sa Bench, ewan ko ba? Alam mong chikadora kasi yung mga hairstylist kaya pag kinakausap mo sila, alam mong drawing lang ang lahat. At tsaka, hindi mo sila makakausap ng matagalan, kasi madaming customer. At dahil dun, palipat-lipat sila. Haggard diba? Pero nagagawa pa rin nila naman ng maayos yung work nila.
Ganyan ang style, design, mostly ng Bench Fix Salon. Hindi abot paa ang mirror, so makikita mo yung lower part ng mga tao sa kabilang side. (Hindi tungkol sa nakita kong "ari" ang dahilan ng post ko na ito!) Nakakatawa kasi parang ang illusion dun, sayo yung upper part (na nakikita mo sa salamin), yung ibaba, dun sa katapat mo. Eto na. Dahil nga sa nakikita ko yung nasa tapat ko. Pero wit ko know and fez ah. Habang ginugupitan ako, nagtataka yung hairstylist. Ngiwi kasi ako ng ngiwi. Akala tuloy nya, hindi ko nagugustuhan ang pang-gugupit nya. Pero naintindihan nya na kung bakit ganun ang reaksyon ko. Ang bilat na nasa tapat ko, nakataas ang isang paa at nag-gugupit ng kuko! Nakakaloka! Hindi na lang siya nagpa-manicure dun! Kung namamahalan siya sa manicure dun, eh di sana pinagpaliban nya muna yung pag-gugupit niya ng kuko. Ang malalala, ang mga kalat na kuko (na isang buo ah, yung walang sira na paggupit), nasa sahig kasama ng mga buhok. Eto lang nasabi ko, "kadire!"
Monday, August 20, 2007
Everyone sing with me.
Guidance in Daily Life
The Daishonin teaches the meaning of true happiness and the true purpose of life. Fame and momentary glories are no more than illusions. True happiness lies in cultivating the great state of Buddhahood within one's life. This is life's true purpose. By chanting daimoku, we can change all of our sufferings into the ingredients for attaining a Buddha's lofty state of life. - Daisaku Ikeda
Wednesday, August 15, 2007

Who could forget Thalia? At sino ba ang sisira sa ala-ala ni Thalia? (Later, to be discussed). She was such a phenomenal hit sa Pilipinas. May kilala ang name na Thalia as an actress kaysa sa original meaning ng salitang ito na isa sa mga Muses (Muse of Comedy) ng Ancient Greek Mythology. Sa isang website pa nga, nakalagay dun na ang third meaning ng Thalia ay siya. Minsan lang may taong super naging kilala sa kanyang namesung.
Nang unang ipalabas ang MariMar dito, walang inggay itong ginawa kasi siguro sa RPN 9 lumabas. Luckily, I was channel surfing at nakita ko yung palabas sa Ch. 9. Ay neng, bet ko na siya nung una ko pa lang napanuod ito. makakalimot sa chest hair ni Sergio Santibañez? Hehehe.. Tapos dahil sa super success ng palabas na ito, sunod sunod na ang palabas ni Thalia. Sinong Maria Mercedes, Maria la del Barrio, at Rosalinda. Below are the video ng OBB ng bawat telenovela. Nakakatawang balikan, at for sure, alam mo pa ring kantahin ang theme song ng bawat show. Descriptions came from www.thalia.com. Cut, Paste and Edit ang ginawa ko kasi super haba. Ang mga videos ay in order of year shown, transformation ni Thalia and xempre from pinaka-chaka to pinakagwapong partner ni Thalia.
María Mercedes - 1992
María la del Barrio - 1995
In 1995, Thalía plays a leading role in "María la del Barrio", the third soap opera of the "María" trilogy. The soap opera, without a doubt, touched young and adult audiences around the world due to its innocent, entertaining and enchanting storyline. After the "María" trilogy of soap operas circled the globe, a census showed that they have been viewed by more than a billion people around the World!
Rosalinda - 1998
Thalía plays the leading role in her last soap opera, "Rosalinda", in 1998. It has been called the "Titanic" of "telenovelas" and the most-awaited soap of the century. With "Rosalinda", Thalía, the Queen of "telenovelas", secured the title of Mexico's top actress. It is Thalia's last soap opera, since she has been concentrating in her career as a singer, until she find an adequate next project.
Nagpunta pa talaga ang lola mo Pilipinas. Parang si David Pomeranz lang, dahil alam na mabenta sa Pinas, go dito at gawa ng album ang lolo mo. Ang kaibahan nila ni Thalia, hindi lang siya sa Pilipinas sikat. Chos! Who could forget her rendition of Ogie Alcasid's "Nandito Ako." Listen.
May kumakalat pang chismis na kayo super sexy itong si Thalia dahil nagpatanggal ng isang pair ng ribs. Panalo diba? Kaya nya siguro naagaw kay Maria Carey si Tommy Mottola. At naloka na lang ang lahat ng may bagong music video ang lola mo. Singing "Baby no one else ever want you like I do," while strutting.
Going back to the question, sino ang sisira sa alaala ni Thalia?
GMA 7.
I-remake ba ang Marimar?
Ang chaka.
Kayo na bahalang magdecide.
Nakakita na ba kayo ng babaeong rosas? Click here. Ewan kb sa pictorial for Rosalinda ni Thalia. AT least hindi basura ang nakapaligid diba? hahaha.
Tuesday, August 14, 2007
Pinilit kong pigilin ang aking damdamin..
pagkat ika’y di na dapat pang ibigin
ikaw pala’y mayroong ibang minamahal
habang ako’y sa’ting pagmamahalan lang sumugal
Akala mo ito’y malayo sa katotohanan
at ang puso mo’y nakalaan para sa akin lamang
bulong ng aking isip ay wag kang magtiwala
sigaw nang puso mo’y wag umasa sa maling akala
Hindi ko na kayang masaktan pa
hindi na maari pang ako’y gamitin na
isang sunud-sunuran sa iyong mga kagustuhan
at halos ang lahat ay ibigay ko na
Hindi ko na mapapayagan pa
ang puso mo’y paglaruan ng puso kong gahaman
ako’y iyong palayain at ‘wag mo ng ibigin
hindi ko na makakaya ang masaktan ka
‘wag mo na sanang patagalin
‘wag mo na akong linlangin
pagdurusang ito’y hindi na makakaya
Hindi ko na kayang masaktan pa (hindi makakaya)
hindi na maari pang ako’y gamitin na
isang sunud-sunuran sa iyong mga kagustuhan (isang sunud-sunuran)
at halos ang lahat ay ibigay ko na
oohh… Hindi ko na mapapayagan pa (hindi ko na kaya)
ang puso mo’y paglaruan ng puso kong gahaman
ako’y iyong palayain at ‘wag mo ng ibigin (ako’y iyong palayain)
hindi ko na makakaya ang masaktan ka..
the first time i saw the video (panget kasi yung video kaya audio nalang nilagay ko) ng song na ito (sa bus pa nga pauwi), i texted him agad sabi ko watch siya ng SOP dahil sa song angkop na angkop saamin.. xempre ako si regine, siya si ogie.. mga lines pa lang, swak na swak! nakakaiyak ang song.. super.. tska first time ko maka-encounter ng ganitong theme ng song.. may aamin bang pinaglalaruan ka lang ng puso ko kaya please stop this.. yung mga palayain factor din.. very one sided love.. ganun din saamin.. hay.. kelan ko kaya masasabing, "Hindi ko na kayang masaktan pa.."
Monday, August 13, 2007
pinaka-ayoko sa lahat ang umulan..
sa kababawang rason na ayaw kong nababasa ang sapatos ko..
ayoko ko din magdala ng payong pag may ulan..
dahil, ayoko ng basang effect na dulot ng payong pag bitbit mo na siya pagtapos ng ulan..
flashback #1(naalala ko lang noong bata pa ako)
meron kasi akong raincoat and umbrella na transparent.. matching talaga ang dalawa.. hinintay ko talaga na umulan.. para magamit ko ang raincoat at payong ko! at nang umulan na, sinuot ko agad ang aking raincoat at lumabas ng bahay.. nakatayo lang ako sa labas habang umuulan suot ang aking..(sabay sabay tayo) TRANSPARENT RAINCOAT and UMBRELLA!
flashback #2(naalala ko lang noong college pa ako)
pag sakay ako ng fx at umuulan at lalo na pag nasa may window side ako, nag-iimagine ako na may mtv akong ginagawa..ang eksena, naka-lean ako sa window habang may mga tubig na bumabagsag sa sides nito while singing, "Pangarap Ko'y Ibigin Ka".. xempre usual mtv, nag-eemote emote while singing.. tapos bababa ako ng fx (kumakanta pa rin), at pupuntang SM.. tulak-tulak ko ang shopping cart ng supermarket.. yun, dun lagi napuputol ang eksena..
pero noong mga nakaraang araw, natuwa ako sa ulan/bagyo.. dahil alam kong may problema sa water suppply sa Angat Dam.. and i know na if it rains, dadami ang tubig.. ganun lang ka simple..
pumalakpak talaga ako noong nakita ko sa news na bumalik sa normal level nito ang tubig sa Angat Dam.. salamat naman.. pero kulang pa daw ang ulan.. marami pang natutuyong palayan.. for this reason alone, gusto ko muli ng ulan.. sabi nga ng Secretary ng Department of Agriculture, " I don't need typhoon. I need monsoon rains." Choosy ka sir?
-----
Buddhist Thoughts
Neither the pure land nor hell exists outside oneself;
both lie only within one's own heart.
Awakened to this, one is called a Buddha;
deluded about it, one is called an ordinary person.
The Lotus Sutra reveals this truth, and one who embraces the Lotus Sutra will realize that hell is itself the Land of Tranquil Light.
Hell Is the Land of Tranquil Light - WND, 456
Wednesday, August 08, 2007
Usong-uso ang pagbibigay tribute lalo sa mga celebrities.
Kahit saang show merong ganyan.
Question:
When a person is given a tribute, what should be one's reaction?
a. Masaya (natural noh?! tribute nga para sayo eh)
b. Iyak galore (carry lang.. para sayo naman ito eh)
c. Bored (let the video explains itself)
This happened sa tribute ng ASAP Champions kay Lea Salonga.
Ano ba ineexpect ni Lea, nakasing galing nya ang rendition dapat?
Hmm.. Panget naman kung mag-emote ala Eponine si Sheryn sa stage diba?
I thought Sheryn did OK.
Not for Lea, I guess.
Bonus na lang tong next video na ito.
Parang commercial ng Mastercard.
(Kunyari)
Rachel Ann's gown, $200.00
Rachel Ann's earrings, $50.00
Lea Salonga's Reaction, PRICELESS!
Sa eksenang ito, sing along naman ang drama ni Lea.
Nakikisabay sa kanta echos echos.
Ngunit, datapwat, subalit nang marinig niyang hindi naabot ni Rachel Ann ang tono (5:44 sa video), kayo ng bahalang humusga kung anong ibig sabihin ng fez nya sa moment na yun!
LEA SALONGA, MALDITA! Hahaha..!
Thursday, August 02, 2007

Sa post kong ito, ndi ko tatalakayin ang mga diumano'y nagawang kasamaan (pagnanakaw, to be specific) ng pamilya Marcos dahil sa hindi naman ako political scientist major at sa mabobored lang ang mga readers kong sisters! Tatalakayin ko dito ang mga bagay na tungkol sa beauty, shoesala, ternos, alahas, at kung ano ano pang kalandian sa buhay.
Natutuwa talaga ako sa kanya.
Ang kanyang hairstyle. Siya lang ang may ganyang buhok sa mga Filipina. At good luck siguro kung paano pa niya nagagawa yan. At aminin, ang blush on, blush on talaga! Theater actress sa kapal ng blush on!
At ang mga ternos (xempre ndi yang suot nya sa picture)nya! Hay, noong napanuod ko ang documentary film tungkol kay Imelda, isa lang ang nasabi ko sa sarili ko, "kung meron man akong gustong hingin kay Imelda, wala ng iba kundi ang kanyang mga limpak limpak na terno." (eh ndi ko pa alam ang tungkol sa mga alahas ni Imelda noong mga panahong ito!)
Ang shoesala collection ng lola mo. Nakadisplay na sa Shoe Museum sa Marikina. Majority naman kasi daw ng shoes niya gawang Marikina. Diba proudly pinay ang lola mo? Hindi naman daw pala 3,000 pairs of shoes ang meron siya, 1,060 lang naman daw kasi. At simple lang ang lola mo, gusto lang nyang shoes ay pump shoes.










"I'm like Robin Hood. I rob the rich to make these projects come alive... not really rob. It's done with a smile." -- in Fortune, 1979
(ganyan ang pagnanakaw! chos!)
(oo nga naman.. hehehe..)
(diba walang pakialam!)
(o, public servant talaga!)
(diba nasa dictionary na itech?)
(naiyak ako dito..)
(dito rin.. ang sweet!)
(kayo talaga! oo nga naman! ndi nya siya steel or butterfly!)
(tinalo ang "ndi bumubunga ng santol ang mangga! basta ganun!)
(kawawa naman sila.. si Imelda na nagsabi nyan ah..)
(so crazy pala ang mga basurero? hmm..)
(mga bakla! vote for Marcos!)
(gusto ko rin nga ganitong sickness!)
(un na!)
Wednesday, August 01, 2007
(may impit sa dulo!)
pwes!
mamili ka na!

Martin Grogaard
Cebu
21 years old
6′0″

Kerbie Zamora
Rizal
18 years old
6′1″

John Uy
Quezon City
19 years old
5′10″

Carlo Guevara
Pasay
18 years old
5′9″

Joey Beato
Laguna
19 years old
6′0″

Ron Morales
Las Piñas
22 years old
5′11″

Kaye Garcia
Davao
18 years old
5′7″

Regine Angeles
Quezon City
21 years old
5′6″

Michelle Carbonell
Davao
20 years old
5′7″

Rachel Tan
Makati
19 years old
5′5″

Precious Adona
Pasay
22 years old
5′7″

Kristine Nieto
Bulacan
19 years old
5′6″
So sino sa kanila ang mababangko?
Ndi mo pa rin gets?
So, Be Bench!
Gets mo na..
Bangko = bench
Hahaha..
walang ultra hot guy and girl na kasali..
mga so so lang..
ok naman sila..
wag niyong pagsalitain!

hoy hindi ako addict ah!
ndi ako lumalanghap ng ink galing miami..
Miami Ink is a show in Discovery Travel and Living..
It's about the life of different tattoo artists and their customers..
Nakakatuwa siyang panoorin..
Kinda hot ang mga guys..
Tapos ang cute ng mga stories ng customers nila..
Xempre panalo ang mga works of art nila..
Gugustuhin mong magkatattoo..
Hahaha..
Pero hanggang panood na lang ako..
Wit ko bet magpa-tattoo..
Ndi ko kakayanin at ndi ko lang talaga gusto..