Wednesday, December 24, 2008

Parang walang Pasko.

Ewan ko.
Napaka-ordinaryo ng araw na ito.
Mag-twtwelve na, wit pa rin masyadong ganap.
Hay.
Buti nalang good mood ako.
Wit na rin me nareceive na regalo.
Ok lang kasi..
(sing with me!)

I don't want a lot for Christmas

There is just one thing I need

I don't care about the presents

Underneath the Christmas tree

I just want you for my own

More than you could ever know

Make my wish come true...

All I want for Christmas is

YOU (pogi)..

Sunday, December 14, 2008

This Holiday
(kasi wala kaming Christmas)

Advance Xmas post.
Christmas is all about sharing and giving.
Let's do our share in helping others.
Happy Holidays..


Nichiren Daishonin writes, "If you light a lantern for another, it will also brighten your own way" (Gosho Zenshu, p. 1598). Please be confident that the higher your flame of altruistic action burns, the more its light will suffuse your life with happiness. Those who possess an altruistic spirit are the happiest people of all.

- Daisaku Ikeda, SGI President

Monday, November 10, 2008

Congrats 'Te!.. Pero..

The first ever Miss Earth from the Philippines!!
Ganda ni Ate! Congrats!
(in her almost sight na ang kipay kong gown.. na super love ko ang chiffon!! flowy talaga!)


Early favorite ang ate mong si Mexico (na ka fez ng vocalist ng Evanescence!). At ndi ko siya bet! Mayabang. Kung mapapanuod nyong muli ang pag pasok nya nung Long Gown. Panget pa ng gown!


Aminin mo, magkafez ang past at present!

Bet ko talaga si Tanzania! Minus the gown. Pinilit kasi ipasok sa sagot ang "plant trees". Hindi tuloy na-win! OA talaga ang opening ng mga mouth pag nawiwin noh?!

Eto na ang PERO..

ANG CHAKA NG PRODUCTION!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Nung swimsuit competition, yung mga camera angle josko!
Minsan paa na lang nakikita sa screen!

Muntik na makita ang perlas ng silangan ni ate. Buti nagblack siyang panty.

Ang stage? Beijing Olympics? Gawin bang inspiration ang BIrd's Nest Stadium?

Ang LED. Miss Universe na Miss Universe. Ginaya nalang nga, sana ginandahan. Walang sense yung nasa sa floor. Yung sa nakasabit naman, pagkasyahin ba sa vertical screen ang buong kaganapan sa stage?

Wala na tayong magagawa sa opening number, trademark na ng Miss Earth gumamit ng popular song na imimix sa Miss Earth song.

Naawa ako sa Davao dancers, parang may fiesta lang. Pinilit ang concept.

Ang blocking sa stage habang rumarampa (swimsuit and long gown) ang mga hindi finalists.. Grabe naman! Di naman pinag-isipan. Garo-garo lang. Robby Carmona yan diba?

At ang mga host, Inglesera na nga sila, nagkakamali pa! Si Billy Joe, PDA palang mali-mali na, di pa nadala! Si Riza naman, nakakdistract ang make-up at ilong (nose line ba nagpatangos?) Ngrereflect ang fez nila si Priscilla sa ilaw. Parang make-up ng mga mime artists sa Baywalk ang ginamit sa kanila. At si Priscilla, please ALISIN nyo na siya! Baka na sa susunod na naman siyang Miss Earth or kahit sa Miss Philippines!!!!!

Pasensiya na.

Saturday, November 01, 2008

Tayò Na!!!



Stand Up for Cancer!..
PANALO!!!!!!

Love fergie's last part!!

Mga 100x ko na ata pinanuod to!!
Waaahhh!!

Kelan kaya magaganap dito niyan noh?..
Yung all girls talaga ah..
Ndi parang "Biyahe Tayo" type..

Sana maging simula ang DIVA 4 DIVAS..
Sino kayang magandang isama?..

Thursday, October 02, 2008

Star Studio Hunks

WATER WATER!!!!
So way better than the Cosmo hunks!!!!!! Aminin nyo!!!
Such a revelation din ang iba.
Thanks to filipinohunks.blogspot.com for the pix!
Enjoy!!

12. Matt Evans


11. Jason Abalos

10. Rayver Cruz

9. Marvin Raymundo


8. Joem Bascon

7. Carlo Guevarra

6. Aljur Abrenica

5. Jake Cuenca

4. Robi Domingo

3. Enchong Dee

2. JC De Vera

1. GERALD ANDERSON

Un na.
CR muna akez!

Saturday, September 20, 2008

My 25th


It's a working birthday for me.
Sinabay kasi yung anniversary ng office.
At least, ndi ako nagbayad for my treat!!
Hahaha..

Had merienda/dinner with him bago nagpunta sa event.
Had midnight snack with another him.
Pagbigyan na, birthday naman.
Hims will be revealed sa mga susunod na araw.

Tapos dapat i-mimit ang mga baklang blogger na nagmalate!!
Kahit anong oras daw!
Che!!
Umuwi ng mag-aala-una!
Di ako nakaabot.

Next time!!!






25 na pala akez.
Wala pa din ang naabot.
But who says it's too late?

Monday, September 08, 2008

Pft





nakipagtalo pa kasi daw ako.
yan tuloy.
pft.



Wednesday, August 20, 2008

DYOSA

Simula college, "goddess" na ang tawag saakin.
Nagsimula yun sa course ko lang.
Hanggang na-adopt na siya buong college.
Nang lumawak ang reach ko,

pati mga taga-ibang college,
un na din ang tawag saakin.

Bakit nga ba goddess?
EH BAKIT NAMAN HINDI!

Kaya ng lumabas ang DYOSA ni Anne,
madaming nagtext saakin..
Kakabugin na daw ako ni Anne..

Upang patunay na ako pa rin ang tunay,
tingan nyo na lang ang header ko!

Sa mga skeptics (hahaha..)

ako yang nasa header..
eto ang
ebidensiya! ipopost ko siya isa isa dito!
click to enlarge photos


Dyosa Agua


Dyosa Tierra


Dyosa Cielo


Ang nag-iisang DYOSA!

No copyright infringement intended.
Photo credits: JOJIT LORENZO.

Wednesday, August 13, 2008

Just Tired

"Tired of Love"

Gets nyo ba ang picture?
Tired of Love..
You know, gulong = tired..
Love + heart = love..
Hehehe.
(nax i still get to laugh about it)

napapagod ba talaga ang taong magmahal?
a scene from A Very Special Love says yes..


Migs (John Lloyd):
"Wag ka na umasa na mamahalin kita. Mapapagod ka lang".

Laida (Sarah):
"Kahit kelan di ako napagod dahil hindi ka mahirap mahalin.
Ngayon lang." (walkout)


i dunno.
after a long day sa UST, pag-uwi ko..
dun ko na lang siya bigla naramdaman..
i'm not actually tired of love,
but tired of loving..
loving the wrong guy i guess..

is it because of the choices i made?
or did i just wished so hard?
or sabi nga sa quote..
"para kang nag-aabang ng jeep sa sakayan ng mrt.."

ewan.

bahala na.

sanay na.


mag-vivitamins na lang ako.
baka sakaling ganahan ako ulit.

mag-aabang nalang ako ulit ako ng jeep..
paparating sa guadalupe station..



Saturday, August 09, 2008

KABOGGERA!

Yan ang masasabi sa Beijing Olympics!
KABOG talaga!!

Ang venues palang..
EFFORT talaga!!









National and Olympics Stadium..

Nest ang inspiration!











At ang Aquatic Center..

Hay..!! OA sa ganda at pagka-innovation!

Then came 8.8.08.
Opening Ceremony..!!
Tumaas tuloy ang rating ng Ch. 9!
Grabe!
Hindi mo makukuhang ilipat ang channel sa iba..
ANG GALING!
SOBRANG GANDA!

Watch for you to find out..
Medyo mahaba lang nga, pero worth it!
Yan lang yung meron sa net na buo..












hay..
GRABE!!
gusto lang sabihin ng China na..
MAYAMAN KAMI!!!!!!!!!!!!!!
OA yung led lights!!

Last na..
Ang torch lighting!!
HINDI KO INEEXPECT!!!
Sa bubong ba tumakbo?!



Proud to be Chinese.
Chos!

Saturday, July 26, 2008

CEBU and TAXI

2nd home ko na ata ang Cebu.
Lagi kasi kami may event dun.
Waterfront.
Marco Polo Plaza
and recently sa Hilton Cebu.

sosyal noh?
ndi rin.
ndi naman ako nagstay dyan,
nag-event lang,

sa bawat event ko sa Cebu,
taxi ang lagi kong mode of transportation.
walang choice.
ndi ako familiar sa place.

07.25-26.08
mega taxi xempre.

1st taxi moment:

naiwan ng boss ko ang planner nya sa boxi.
tumawag saakin ang front desk ng hotel.
kinuha ko sa driver ng planner.
at ang sabi nya, "pahingi naman ng 50!"
nag-init ang ulo ko xempre.
pang gas daw, ang layo daw ng nilakbay nya.
ayaw pa ring umalis, na-Bernadette Allyson na akez.
"Etong 50! (nag-miss universe ako ang susunod na eksena)
Sa susunod, kung gagawa ka ng kabutihan, wag kang humingi ng kapalit!"
WORLD PEACE!
Imbyerna talaga ako sa ganun.

2nd taxi moment:

pabalik na sa hotel.
80 ang bill.
"Dagdagan mo naman.."
Sbi ko, "bakit?!"
"Kung ayaw mo eh di wag!"
(panalo, nagthrethreat!)
"Bakit ka nga kasi humihingi ng dagdag?
I need a reason!"
(diba naghingi nga reason?!)

3rd taxi moment:
naiwan/nahulog globe fone ko sa taxi.
UN NA!
WALA NA AKONG FONE!
CONTACTS KO!!!!!!!!!!!!
Huhuhu.

Friday, July 11, 2008

Bagong Bet

Diba ngayon na lang nga ako ng-blog, puro kalandian pa!
Hahaha.

Bagong Bet #1
Crushy..

Van and Hansen of PDA!
Putakte!

















sabi bading daw tong dalawa?
kebs, basta top sila!
hahaha.
lalo na si Sen, punyeta!!!!


Bagong Bet #2
Awitin..

For a change, wag muna si Regine..
Noel Cabangon muna..
from the movie, "Daybreak"




nakakaiyak.

Sunday, June 22, 2008

Commercial Break Muna

Bumabagyo na sa Pilipinas!
Gosh naman Frank!

Nuod muna tayo ng commercial.
Watch intently.
Kayo ay mapapansin.
Mapansin nyo kaya?

1st commercial: Sunsilk



2nd commercial: Clear



Mapansin nyo ba?

Tama, pareho silang shampoo commercial.
Tama, trio ang concept.
Tama, mga sikat ang mga nasa commercial.
Tama, ndi nag-ingles si Marian.
Tama, chaka ng boses ni Marian.
Tama na! Hindi ito tungkol kay Marian!
Hahaha!

Pansinin ninyo sa huli ng mga videos na ito,
pareho ng posing si Marian and Piolo.
Hehehe.
Un lang.


Umuulan pa din ng malakas.
Pfft.

Tuesday, June 10, 2008

Bagong Pangalan, Bagong Image

Nasa pangalan nga ba ang inaasam na tagumpay?
Ating alamin.

Ang dating Abby Viduya..
ngayon, Priscilla Almeda na..














(aminin.. ahit na ahit ang keps!!)


Ang dating Gracia!!!..
ngayon, Samantha Lopez na..














(bakit kaya nausa ang nakalabas na

konting buhok na nilawayan muna?)

Ang dating si Apple Zuniga..
ngayon, Nini Jacinto na..














(sinong nag-isip ng pictorial na ito?)


Ang dating si Patricia Javier..
ngayon, Genesis na..














(in all fairness sa kili-kili!)

at ang bagong sasali sa listahan..
sariwang-sariwa.. sa retoke..
new image..
a singer on the rise..
ang nangahas maging..
"Kylie Minogue of the Philippines"
ang nag-iisang..
NANCY JANE!!!!



I love the song, the video!
Don't you love it?

Si Nancy Castiglione yan ah?
OO NGA, SIYA NGA!!!!
Mas mas kaakit akit, at mas matigas sumayaw!

To answer my question, "Ang pagpalit ba ng pangalan ay magbibigay sayo ng inaasam na bagong tagumpay?" Hmm. Sasagutin ko din ito ng isang tanong.. ASAN NA BA SILA NGAYON? Wag sana mapasama sa listahan si Nancy Jane sa nawawalang showbiz personalities! May future pa naman siya!

Saturday, June 07, 2008

NAHUSGAHAN NA

Napanuod ko na ang Caregiver at Sex and The City..
Eto ang aking masasabi..

In all fairness sa Caregiver..
Hahaha..
Un lang..

Maganda siya.
NGUNIT, ang problema kasi saakin pagnaha-hype ang isang pelikula,
tumataas ang expectations ko para dito.
Hindi nga lang siya umabot doon sa ineexpect ko.

Naiiyak naman ako kahit papaano sa mga eksena.
Very "totoo sa buhay" ang mga lines na ginamit.
Ang ganda ng london.
Gusto ko sumakay sa train!
Ang daming symbolism na ginamit sa pelikula.
Iyak ng iyak si Sharon.
Buti pa siya! Hahaha.

Sex and The City

"Oh my god!"
Yan ang masasabi ko.

Oh my god ang mga sumusunod:
1. wedding gowns sa vogue
2. everyday outfit nila
3. di sumipot si Big
4. hinampas siya ni Carrie
5. warla si Charlotte
6. ang akala mong matigas na etits ng jowa ni samantha
7. expression ni Miranda sa may tulay
8. nagtae si Charlotte sa pants
9. nagkita si Carrie and Big sa dresser
10. ANG PESTENG EDITING NG PALABAS!

Mas naiyak ko sa SATC kaysa sa Caregiver.
Siguro kasi mas nakaka-relate ako sa mga girls.
Hindi naman ako kasi Caregiver!
Chos.
Love and relationships kasi yung sa SATC kaya mas nakakaiyak.





Oo nga pala,
patay na si DaBoy of Philippine Movies.
Share ko lang, kasi baka idol nyo siya!

Friday, May 30, 2008

My Newest Crush

Basta para saakin cute siya!
Nakasama ko siya sa isang event.
Ang hot.

Para siyang michael buble.
Ganun mga songs nya.

I so love Richard Poon!!!!



















Listen to his version of the Beautiful Girls, Irreplaceable and Umbrella!
And he's done it in his own way!

Sunday, May 25, 2008

TORN BETWEEN TWO..


Lovers?
Wit. Movie.
Sa May 28, 2008 2 movie ang magshoshowing..

Sex and the City




and Caregiver



Ano ang uunahin ko?
Pero ang pinakatanong, matutuloy naman kaya ang panonood ko?
I have issue with work schedule.
Mag-blog nga, hindi ko na rin nagagawa.
Manuod pa kaya ng sine?!

Thursday, May 01, 2008

High Ka Diva!

Wala atang baklang hindi alam ang segment na ito sa MTB.
And who could forget the hunks? NAMAN!
At salamat sa YouTube, napanuod ko siya ulit.

Ang contest na ito ay pataasan ng boses, ndi pagandahan.
Kaya pwedeng kayo dumisagree sa nanalo (katulad ko!)

Pero umpisahan ko muna sa mga weekly episodes lang.
Hindi pa grand finals.
Pero sana napasama sila.
Mga teens singers na underrated,
Musica Cristobal and Michelle Ayalde!

Panalo silang dalawa diba?

Pero siyempre, dahil pataasan ito ng boses, may mga pumipiyok din.
Let's have Kitkat and Nina.


Eto na. Grand Finals.
Dianne Dela Fuente and Frenchie Dy.
Si Dianne and nanalo.
Dito ko na-discover na Frenchie ay nakaka-whistle tone.
(pasenxa, walang embed code)

http://youtube.com/watch?v=FxyCkqCf6Xw

Saturday, April 26, 2008

Hay Buhay..

Hate That I Love You




Yeah... hey... Oh...

[Rihanna:]
That's much I love you (yeah)
That's how much I need you (yeah, yeah, yeahah)
And I can't stand ya
Most everything you do
Make me wanna smile
Can I not like you for awhile (no... oh...)

[Ne-Yo:]
Cuz' you won't let me
You upset me girl
And then you kiss my lips
All of a sudden I forget (that I was upset)
Can't remember what you did

[Rihanna:]
But I hate it...
You know exactly what to do
So that I can't stay mad at you
For too long that's wrong

[Ne-Yo:]
But I hate it...
You know exactly how to touch
So that I don't want to fuss... and fight no more
Said I despise that I adore you

[Rihanna:]
And I hate how much I love you boy (yeah...)
I can't stand how much I need you (I need you...)
And I hate how much I love you boy (oooh whoah...)
But I just can't let you go
And I hate that I love you so (oooh...)

[Ne-Yo:]
And you completely know the power that you have
The only one that makes me laugh

[Rihanna:]
Sad and it's not fair
How you take advantage of the fact
That I... love you beyond the reason why (why...)
And it just ain't right

[Ne-Yo:]
And I hate how much I love you girl
I can't stand how much I need you (yeah...)
And I hate how much I love you girl
But I just can't let you go
But I hate that I love you so

[Both:]
One of these days maybe your magic won't affect me
And your kiss won't make me weak
But no one in this world knows me the way you know me
So you'll probably always have a spell on me...

[Ne-Yo:]
Yeaahhh... Oohh...

[Both:]
And I hate that I love
You soooooooo!

[Rihanna:]
As much I love you (as much as I need you oh...)
As much as I need you (oooh... as so much I love you)
As much I love you (oh...)
As much as I need you

[Rihanna:]
And I hate that I love you soooo
And I hate how much I love you boy
I can't stand how much I need ya (cant stand how much I need you)
And I hate how much I love you boy
But I just can't let you go (but I just can't let you go no...)
And I hate that I love you so

And I hate that I love you so... soo...


*****



THE BEST VERSION EVER..
Kung hindi ka pa ma-in love, EWAN KO NA!

Saturday, April 12, 2008

Sinasabi Na Eh

Tinext ko siya about sa outing nila. Di na daw siya punta. Magdrdrive daw kasi siya sa kapatid nya sa Timog. May debut kasi. May meeting talaga me sa Timog. 1-4pm. Magtuturo ng Marimba sa mga Buddhist kids. Pero di ko sinabi sa kanya na pupunta ako ng Timog. I just asked him kung hihintayin ba niya kapatid nya or hahatid lang. Text daw nya ako.

2pm umalis na me office. Texted him. Nagpapa-car wash daw sya. Sabi ko papunta na me Timog. 3pm na ako nakadating Timog. 4pm natapos na ako sa pagtuturo. Magkatext. Biglang segue to asking him out on a dinner. DI sumagot. Mga 6pm, nagreply. Naka-idlip daw siya. Sure daw. Mga 8pm dumating na siya Timog. Hinatid kapatid. Nagdinner. Usap. 10pm, nagtext na kapatid. Tapos na daw debut. Mga 11pm, pareho na kaming nakauwi.

Masaya. Pwede na nga akong mamatay sa saya ko! Ang saya.. saya.. pero hanggang kelan? Sinabi ko na kasi wag eh.

"So tired of falling in love.. Simply falling.. Just falling..
Without anyone catching.."



Wednesday, April 02, 2008

Ayoko Nito!

I caught myself smiling.
Tapos bigla kong kinanta ang kantang ito nang PAULIT-ULIT, PAULIT-ULIT, PAULIT-ULIT, PAULIT-ULIT, PAULIT-ULIT, PAULIT-ULIT, PAULIT-ULIT, PAULIT-ULIT...
hanggang ngayon..



What is this I'm feelin'
I just can't explain
When you're near
I'm just not the same
I'm tryin' to hide it
Try not to show it
It's crazy
How could it be

I've fallen for you
Finally, my heart gave in
And I'm fallen in love
I finally know how it feels

When you said hello
I looked in your eyes
Suddenly, I felt good inside
Is this really happenin'
Or am I just dreaming
I guess, it's true
I can't believe

I've fallen for you
Finally, my heart gave in
And I'm fallen in love
I finally know how it feels
So this is love

Doesn't matter where I am
Thoughts of you still linger in my mind
No matter what time of day
I've really, really
Fallen for you

I've fallen for you
Finally, my heart gave in
And I'm fallen in love
I finally know how it feels
I've fallen for you
Finally, my heart gave in
And I'm fallen in love
I finally know how it feels
So this is love
ndi ko hinilight yung FALLEN FOR YOU,
kasi ndi pa at ayaw ko.

Sunday, March 16, 2008

UTANG NA LOOB!

This will be a new segment in my blog. UTANG NA LOOB! (not to be translated in English, kasi mga iiba ang meaning) will present goddess' view on current issues in the Philippines, kung meron interesting sa world, why not? THIS IS JUST MY VIEW.

For my primer, 2 current events ang aking tatalakayin.

1st. Bb. Pilipinas-World 2008 Janina San Miguel

Ang ganda! Tama, maganda nga siya. Maganda LANG. Pinag-usapan na ito hindi lang sa gay community, kundi sa lahat na ata ng community sa Pilipinas. Sa sagot at Ingles na mali-mali, sino ba naman ang hindi pag-uusapan. Sinagot na din nya ang issue, ang sabi nya, "History na ito!" Naman! History ka talaga. Dahil ikaw lang ang bobang nanalo sa isang beauty contest! At sino bang nagsabi na lahat ng nasa History eh magaganda bagay? Kahit mga kriminal nasa History na noh?! Un pa kayang boba. Sabi nga sa isang blog sa wordpress na nabasa ko (pasenxa nakalimutan ko address), ndi naman sa maling grammar kaya naging mali si Janina eh, dahil daw ito sa maling sagot nya sa tanong. Ang tanong role ng family, ang sagot importance ng pamily! Un ang boba!

Ruffa Gutierrez was asked about this. Sabi nya, "... judged not only for the beauty, but also for the brains." Naman! Kaya sa punyetang Bb. Pilipinas organizers yan! Kesho hindi naman daw basehan sa Miss World 2008 ang Question and Answer portion. Punyeta! Last ko ng sasabihin ito, "Wah ako pake kung walang Q&A sa Miss World! Anak nampota! Ni minsan ba, ndi siya kakausapin ng mga janice hurado? O kahit ng mga co-kandidata nya? UTANG NA LOOB, kung ganda at ganda lang ang basehan, AKO NA SANA IPADALA SA MISS WORLD! Marunong pa akong mag-chinese!! PIAO SI! chos! PUNYETA! Madaming ARTADI at MONTECARLO dyan na mas maganda pa kay Janina, sana sila nalang ang ipadala (buhayin ba ang swestiyon ng husto husto?!) Or sana, mga PIPI na lang pinadala natin, at least sila for a cause ang drama!!" Janina, UTANG NA LOOB mag-aral ka pa!

2nd. Nanalo na naman si Manny Paquiao!

Congrats to Manny for winning again. Yayaman na naman siya. Dadami na naman ang endorsements nya. Tatakbo na naman siya sa 2010 (malay natin diba?). Naisipan nga dati eh, ngayon pa kaya? Madadagdagan na naman ang TV show nya. Ano? May TV show si Manny? NAMAN!

Siyempre masaya na nanalo siya diba? Pinoy siya. Pride na din natin yun, diba? Ang hindi ko lang ma-take eh yung mga statements niya lagi. Na "kahit na mabugbog ako, para naman sa bayan ito," or "ginagawa ko lahat to para sa mga Pilipino," or "gusto ko lang naman mapasaya ang mga tao sa pagkapanalo ko, " at "sana magka-isa na tayong lahat" aahh.. napaka-nationalistic mo naman Manny. Kaya pala may kinikilinggan kang politiko noh? How sincere naman of you. Para pala sa bayan yang ginagawa mo. Eh san ba napupunta mga cash prize mo? May napupunta ba sa naghihikahos na mamamayan ng Gen San? Balita ko madami pa ding mahirap dun? Ano ba namang kahit mga taga-Gen San lang muna ang tulungan mo? Alam kong ndi mo responsibilidad yun, pero sinabi mo sa TV, nag-press release ka eh! Kaya Manny Pacquiao, UTANG NA LOOB kumilos ka.



Thursday, March 06, 2008

When Mythology Meets The Legend
(Davao Trip)

















gmail messages:

g: Mandaya, pupunta ako ng Davao this Feb. 23-25. Taga-san ka dun?

m: Sabihin mo lang kung saan ka sa davao at babyahe ako sa city para sa yo.
Sa eroplano pa lamang bago kami bumaba ng Davao, inaannounce na, "Davao City is a smoke-free city." SALAMAT! I told myself. I will love Davao. (As if naman 1st time ko lang sa Davao! Hindi naman kasi ganun yung dati)

I was in Davao for our yearly Buddhist Exchange Meeting. All boys ang effect ng meeting na ito. I saw some friends from Cebu, Cagayan de Oro and Davao. Mawawala ba ang mga cuties? Hehehe. Ever present din sila. Tumaba na yung isa. Mas gumwapo ang isa. Pa-cute pa din yung isa pa. Enriching. Fun. Enlightening.

Ano ba ang Davao kung hindi sa suha? Nag-uwi ako ng isang box na suha. Pag dating sa Maynila, ilang piraso ang sira! May natitira pa namang masasarap. Bumili din ng durian. For mudang. Paborito nya. Di ko kaya ang amoy!

Mag-eeleven na ng gabi. Naghihintay si Mandaya sa isang coffee shop. Kasama ko ang 2 kong bading na Buddhist friend (xempre di ko memorize ang Davao noh?). Sinabihan pa nga akong
"Over" nitong ni Mandaya kasi sabi ko may kasama ako. Echosera! Dumating me sa lugar.

text message:

g: San ka?
m: may white na laptop
naghanap ako. nasight ko siya. nasight na akez! (Ano ito EB?!)


actual conversation:


g: ikaw pala yan!
m: go, shoot!
diba? artista. nagkw
entuhan. chineck ang laptop para sa mga pictures. at may premiere pa ng isang video ng isa sa kanyang super friends. isa lang ang comment ko sa video: good luck! mawawala ba sa usapan tungkol sa higanteng oven at xempre ang pag-iibigan nila ni Kulot. masaya ang pagkikita. masaya ang pag-uusap. actually, pinagchachant ko na rin siya, with the help of my buddhist friends, inexplain nila kay Mandaya ang Buddhism. Nagustuhan (tama ba?) naman niya ang idea. well see. pag nakuha na niya. (don't forget to text me for updates).

hinatid nya kami pauwi. pero bago kami umalis sa lugar (pinapatayan na kasi kami ng ilaw!), ang huling habilin niya, "Quiet lang ah."

hanggang ngayon, kahit tanungin ako nila Mrs. J kung ano itsu
ra ni Mandaya, ang tanging sinasabi ko ay, "meron akong vow of secrecy." Chos!





Monday, February 18, 2008

Overdue Valentine's Day Post
(and something on Weddings)

Busyness.
No time to blog.

2.14
Arrived late.
Came from work.
Valentine's Day dinner.
With the family and sister-in-law.
My Ahia (older brother) is getting married.
Went to the couturier.
Wedding gown fitting.
Went home.
Saw bunch of flower.
Not for me.

2.15
Valentine's Day for gays.
Why?
Sweldo.
Chos!
Overnight @ UST.
Canvassing for election.
One won from my party.
Saw him.

With him.

2.16
Sleepy.
Went home.
4 hour sleep.
Went to hotel.
Shop for polo.
Didn't find any.

2.17
Wedding.
Mandarin Oriental.
Emerald Garden.
Ate a lot.
Relatives.
New relatives.
Went home.
Cries from sister.
3 cars.
1 - brother and wife.
2 - sister and family.
3 - father, mother, me.
Realization.
Gets?

Saturday, February 09, 2008

Revenge is Easy with Your Ex













kung hindi mo siya kaharap..!
buti nalang may computer..!




WARNING: BLOOD ALL OVER THE PLACE!

Whack Your Ex



Click here to play this game

Sunday, January 27, 2008

Commercial Break




ganda.
nakakaiyak yung airport scene.
cge na, magPONDS na lahat!



Black is the new Red!
Gwapo ni Piolo!
Gusto kong papana!
Ouch!

Monday, January 21, 2008

Maalaala Mo Kaya



Dear Ate Charing,


Sumulat po ako upang ibahagi sa mga mambabasa ang kwento ng aking kaibigan. Itago na lang po natin silang, Jack and Jill.

Si Jack at Jill ay magkakaklase sa kolehiyo simula first year. Si Jack ay taga-probinsya. Naka-flat tops ang buhok at may bigote pa ito. Si Jill naman ay isang "Manila Girl". Ubod siya ng ganda. PERIOD.

Jill: Nyay. Probinsyano!
Jack: Gwapo naman!
Jill: Che!


Lagi silang magkaaway noong sila ay 1st year. Magkatabi silang umupo dahil alphabetically arranged ang seat plan sa halos lahat ng class. Naalala pa nga ni Jill ang pagpapasa ng mga porn cds ni Jack at ng isa pa nitong classmate kaya inis na inis ito sa kanya lagi. Si Jack at Jill pala ng mga panahong ito ay relasyon sa ibang tao.

Noong 2nd year na sila, medyo nagbago ang lahat. Medyo naging close sila. Nandun pa din ang asaran, pero minimal na lang. Isang araw..

Jill: (sa phone) Nandyan ba si Jack?
Jack: O, bakit?
Jill: Diba malapit lang bahay niyo sa ABS-CBN?
Jack: OO, bakit?
Jill: Pwede mo ba akong samahan sa Bantay Bata? May project kasi ako sa Student Council.
Jack: Ok sige.


Sa mga panahong ito, nagkakasama din ang dalawa sa library kasama ang iba pa nilang classmate upang mag-aral para sa kanilang exams (prelims and finals). Ilang araw din silang pabalik-pabalik sa Bantay Bata dahil sa dami ng requirements dito. Lagi na rin silang magka-usap sa fone.

Hanggang sa kalaunan..

Jill: (on phone) Ano?
Jack: Anong ano?
Jill: Ano na nga tayo?
Jack: Sabi ko sa ex ko na hindi muna ako magkaka-gf.
Jill: Ah, eh di wala na. (iyak)
Jack: Hindi ko alam.
Jill: Eh may usapan pala kayo eh. (iyak)
Jack: Ewan ko.
Jill: Bahala ka na nga. Kasalanan ko bang may nararamdaman ako sayo.
Jack: Ako din naman eh.
Jill: (iyak)
Jack: (iyak)

Naging sila na. Itinago nila ang relasyong ito. Hindi ito maaring malaman ng iba. Dahil si Jack ay tunay na lalake at si Jill ay lalake na babae ang puso.

Masaya naman ay kanilang naging pagsasama. Nagpapalitan pa sila ng mga love letters nila. Nagsusulatan ng notes habang nasa class.

sa isang sulat ni Jack kay Jill:

"Kung sinasabi mong hindi kita mahal, fuck you! Wala akong pakialam kung bading ka. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako na-inlove sa bading. Basta ang alam ko, mahal kita."

May mga ka-naughtyhan things din. Masaya sila. Masayang-masaya. Minsan, sila ay nasa school ng linggo upang magkita at mag-aral.

Jack: Nandyan na parents ko. Sinusundo na ako.
Jill: Ok sige. Alis na din ako.


Lumalakad palabas ng gate si Jill ng biglang dumaan ang kotse nila Jack sa harap nito. Nagkatinginan sila.

Jack: (text) Hinding-hindi kita iiwan.
Jill: (text) Ako din.

Ngunit minsan, dumarating ang kanilang pag-aawayan.
Jack: Sabi ko na sayo eh. (sabay suntok sa tiyan)

Naglabasan ang mga classmates nila sa room

Jill: (iyak)
Jack: Kaw naman kasi eh.
Jill: (iyak)
Jack: (naiiyak) Sorry na. (sabay kiss, punas luha ni Jill).


Ilang beses din naganap ang mga ganitong pangyayari. Minsan mas malala pa. Minsan sa public place pa. Hanggang sa isang araw nag-away sila ng sobra sa loob ng classroom. Inawat na sila ng mga kaibigan. Lumabas si Jill sa classroom.

Jill: Tawagin niyo siya. Gusto ko siya makausap.
Classmate: Wag na muna, baka mag-away lang kayo.
Jill: (texting Jack) Labas ka. Usap nga tayo. Sorry.
Jack: (on text) Hindi na. Tapos na tayo.
Jill: (text) Ano ba? Mag-usap tayo.
Jill: (text) Hoy, ano ba?
Jill: (text) Please naman.

After 1 year and 9 months, nagbreak na sila.

Lumipas ang araw at birthday na ni Jill. Nagpunta ito sa bahay ni Jack kahit na hindi na sila. Mahal pa rin ni Jill si Jack. Habang nagluluto ng pagkain si Jack, napansin ni Jill ang isang cellphone na hindi naman kay Jack. Binuksan ang inbox.

Jill: (hinagis ang cellphone) Ano ito?! Kala ko ba.
Jack: Bakit kasi nangialam ka?
Jill: (hysterical) Tarantado ka. Shit ka. Sakit!
Jack: Tama na.


Umakyat si Jill sa kwarto at nag-lock ngh pinto. Pinilit itong binuksan ni Jack. Nadatnan niyang iyak nang iyak si Jill.

Jack: (iyak) Ano ba? Tama na.
Jill: (struggle) Sabi mo walang iba.
Jack: Hindi mo kasi naiintindihan.
Jill: (pinapound niya si Jack) Niloko mo ako! Niloko mo ako!
Jack: (yakap-yakap si Jill) Tama na. Di ko naman gusto ito. Matagal na kita dapat hiniwalayan. Nalaman ni Mama at Papa. Nabasa ni Mama mga sulat mo saakin. I-didisown ako ni Papa pag hindi raw kita hiniwalayan. Mahirap to para saakin.
Jill: (iyak) Wala na rin naman akong magagawa. Alis na ako. (kiniss si Jack)


Simula noon, hindi na sila magkasamang mag-aral sa library, hindi na sila sabay aalis ng school, hindi na sila sabay kumain ng lunch. Sa classroom na lamang sila nagkakatabi muli. Hindi naman kinaila ni Jill na may nangyayari pa rin sa kanila ni Jack kahit wala na sila. Kasi nga daw, mahal pa rin niyo ito.

Jack: Wag mo na kasi akong mahalin. Iba na.
Jill: Hindi ko kaya eh. Ikaw sabi ng puso ko eh.
Jack: Puso puso. Hindi naman kasi puso ginagamit sa pagmamahal eh. Utak!
Jill: Anong hindi, eh bakit masakit dito? (pointing sa dibdib/puso area)

Hanggang ngayon, ganun pa rin ang estado nila. Si Jack pa rin at ang kanyang gf. Si Jill naman, kahit madami ng dumaang ibang lalaki (ngunit hindi naging sila) si Jack pa rin ang gustong makasama.

Sana po ay naibigan ninyo ang kwento ng aking kaibigan. Marami pong salamat.

Lubos na gumagalang,
goddess.

******

Imposible nga ba ang ganitong uri ng relasyon?
Ang relasyon ba dapat Lalake-Babae lamang?

Kasalanan ba ang relasyong Babae-Babae o Lalake-Lalake?
Sabi ng mga Kristiyano, OO, bawal ang ganitong relasyon.
Buti na lang Buddhist ako.

Ang pag-ibig ba ay ginawa lang para sa Babae-Lalakeng relasyon?
Kung hindi pag-iibigan ang nararamdaman nina Jack at Jill, eh ano?
Libog? Madaming babaeng pakantot dyan! Madaming lalakeng pachupa dyan!
Sino tayo para sabihing hindi totoo ang pag-ibig nilang dalawa?
Pag umiiyak ang lalake dahil nasasaktan niya ang bading, hindi ito dahil sa pag-ibig?
Pag nagsusulat ng love letter ang lalake at sinasaad ang buong puso niyang pagmamahal dito, masasabi ba nating, peke ito?
Sabi nga ni Jack kung di ka naniniwala, "Fuck You!"

Hindi ko sinasabing perfect ang relasyon nilang dalawa. Tignan mo, naghiwalay din sila. May gf na itong si Jack. Kung iisipin mo, hindi ba ito nangyari dahil din sa pagmamahalan ng dalawa? Si Jack, hiniwalayan niya si Jill dahil sa alam nitong pareho lang silang masasaktan at may mas deserving sa pagmamahal nito. Si Jill, pinalaya si Jack kahit masakit kasi alam niyang doon siya magiging masaya. Tanggap niya na may mga bagay na tanging babae lang ang makakapagbigay sa lalake. Ngunit kahit na sa ganun, patuloy pa rin niya itong minamahal.

Ang relasyong babae-babae o lalake-lalake ay pareho lamang sa mga heterosexual na pagmamahalan. Ang kinaiba lang, sa babae-babae, ni isa sa kanila ay walang titi. Sa lalake-lalake naman, ni isa sa kanila, walang puke. Sagutin niyo nga ito, sino ba nagsabi na ang puke ay para sa titi lamang?

Hanga ako sa mga lalakeng may mahal na bading. Hindi dahil pinatulan ang katulad kong bading, ngunit sa kanya mo makikita ang tunay na pagmamahal. Nakuha nilang pumasok sa isang komplikadong relasyon. Kahit ano man ang masabi at sinasabi ng iba, wala siyang pakialam dito. Sila ay ang mga taong pinakamarunong magmahal, dahil sa ang pagmamahal nila ay hindi naka-base sa kasarian ng isang tao. Nagmamahal sila dahil sa mahal nila ang tao at hindi dahil sa mahal nila ito dahil ito ay babae.

Hanga din ako sa mga bading na nagmamahal, kahit alam nilang isang araw, mawawala ang lalakeng mahal nila, minamahal at minamahal pa rin ito. Hindi lang yun, magaling pa silang chumupa! Hahaha.