Saturday, April 11, 2009

Charity Begins At Home

I'm sure isa sa mga sumusunod ay naranasan nyo na:

1. Nakasakay ka sa jeep, bilang may aakyat, 2 sila, mag-gigitara ang isa, kakanta ang isa.. tapos mag-aabot ng envelope or letter na naka-fold.. Nanghihingi ng donation..

2. Nakasakay ka sa Bus. May aakyat na teenager. May dalang malaking plastic bag. Magpapamudmod ng letter, or laminated na papel. Humihingi ng assistance sa pag-aaral. Bumili lamang ng Dried Mangoes.

3. Kumakain ka sa isang "Al Fresco" na resto. May lalapit, nagbebenta ng hologram na Jesus Christ or Mary na cards.

4. Naglalakad sa sidewalk (esp sa UST), may mag-aabot ng sticker ng Hare Krishna, akala mo libre, 5 pesos pala yun.

Here's my share of these stories..

Namimili ako ng specialty board sa National Book Store sa Edsa Central. Siyempre mega hanap ako ng papel. Alam mo naman sa NBS, mahirap maghanap ng paper na pare-pareho. (AYUSIN NIYO NGA PAG-FIFILE NYO NG GAMIT!!!) Anyway, as I was browsing for papers, may lumapit saaking teen (ateh siya!), nag-abot ng papel. Nabasa ko ang heading, kabataan chuva ganun, may musika something pa sa title. Alam ko na ito. So sabi ko..

Me: Alam ko na yan. Wala.

Beki Teen: Kuya..

Me: Alam ko na nga yan.

Beki Teen: Si Kuya babasahin na yan.

Me: Nabasa ko na yan. Alam ko na yan.

Beki Teen: Babasahin na yan.

Me: Nabasa ko na nga yan! (Mejo mataas na ang boses)

Beki Teen: Kuya!!! Babasahin na yan.

Me: Nabasa ko na sabi! Wait lang..

ano kayang ginawa ko?

a. hahampasin ng board
b. pupunitin ang papel
c. walk-out!







Me: GUARD!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Umalis ang Beki Teen.

Ang pagtulong may tamang lugar, tamang oras at tamang rason.
Kung wala ang isang elemento dyan, WALANG tulong na maiibibigay.