It's that time of the year.. Prom pictures everywhere on my Facebook timeline! But as you recall your Prom days, ask yourselves, "Bakit nga ba kami nag-Prom?"
---
Mas naaalala ko yung Prom namin noong 4th year na ako kaysa noong 3rd Year. Noong 3rd year kami, ang pagkakatanda ako, sa school lang ito naganap! Pero noong 4th year na, we held it sa isang hotel sa Malate (wala na siya ngayon). Nag-Cotillion (siyempre) at ako lang naman ang napiling "Best in Dance". Ako pa ba?! Hahaha. Anyway, kumanta rin kami (4 ata kami) ng "Thank God I Found You" nil Mariah, Joe and 98 Degrees. Since hindi about ng classmate kong girl yung highnotes ni Mariah, ako ang kumanta noong part na yun! Paulit-ulit din akong sumayaw sa kantang "Waiting for Tonight" ni J.Lo!
---
So bakit nga ba kami nag-Prom? Ang alam ko lang, "Eh ganun eh. Dati pa may ganun sa school eh."
---
Ikaw, alam mo na ba sagot?