Thursday, March 20, 2014

Here We Go Again..

YES.  Nawalan (nanakawan) na naman ako ng cellphones.

Nakailang beses na ba ako nawalan?  Hindi ko na rin mabilang.  Nag-iiba lang naman ako ng cellphones pag luma na or pag sira na or yun nga, pag nawawalan/nanakawan.  My cellphones are either hand me downs (from Papa usually) or newly bought.

Let’s walk down memory lane..





My family’s first cellphone was this – THE FATHER OF ALL CELLPHONES!  Ang bigat!!! Hassle dalhin.  Kaya naaalala ko, hindi ito nilalagay sa bag.  Parang nasa kotse lang or naka-tayo sa mesa.  For tawag lang talaga ang cellphone dati.  Isipin mo nalang kung hindi nag-evolve ang cellphones noh? ANG HASSLE!  Super bigat siguro ng bag mo!  Or mangangalay ka kasi ang bigat ng hawak mo! Hahaha.  Ang pinakagusto ko pala sa cellphone na to yung sound ng keypad! Nakakatuwa!

Tapos nag BOSCH kami.  Eto yung may text na.  P150/month pa dati ang bayad sa Globe before.  Madami kami nag-shshare sa phone na ito.  Kaya kailangan pangalanan mo talaga yung ka-text mo para pag nakita yung name, alam nila kung para kanino yung text.  Sa pagkakaalala ko, isa o dalawa lang ka-text ko dati.  At kung sino siya/sila, SECRET. Hahaha!

ALCATEL.  Eto ang masasabi kong cellphone KO na talaga.  I saw the ad on the newspaper at natuwa naman ako kasi ang daming colors na pagpipilian.  Nag-away pa kami ni mudang dati dahil dito kasi sabi niya, “Pambabae naman tong cellphone na ito e!”  Ako naman, “May nabasa ka ba dito sa diyaryo na pambabae lang tong cellphone na ito?” Hahaha.  Ang cute diba?  One/two liner lang ata ito.

Then came, NOKIA phones.  NAPAKADAMI ko ng Nokia phones na nagamit.  Eto mga cellphones sa pictures, ang more or less na nagamit kong phone.  Hindi ko na talaga maalala yung iba.  Yung iba dyan, nawala dahil na-holdup ako sa school!  Ang saya lang ng Nokia dati.  Ang dali mag-text!  Well, yun lang naman talaga ang importante dati e.  Masaya na ako sa mga quotes, pictures messages.  Tapos nagkaroon na nung may camera, internet etc.





BLACKBERRY!!  I’m a certified BlackBerry addict!  Ang saya gamitin.  Ang sarap ipantext.  Pero ang pinaka-gusto ko talaga dito is yung BBM.  Feeling ko dati na pag naka-BlackBerry ka, chosen ones kayo.  Ilan lang din may BB dati kaya ilan lang kami naka-BBM.  Dalawang BlackBerry phones (Z10 and Q10) ko ang nanakaw. Hehe.  Miss ko na tuloy yung ease ng pag-twitweet and most especially yung pag-eemail.

Apple na lang ang hindi ko pa nagagamit (deadma na kasi ako sa ibang brands kasi di ko bet ang Android).  Meron akong iTouch kasi kasama din yun sa nawala.  Will my next phone be an Apple na?  Hmmm. Let’s see.


But for now, my every reliable Nokia phones will do.