Wednesday, April 02, 2014

"The Expert"

"Why are you asking me then?" you shriek inside.

I saw this article online, at super naka-relate ako.  Also in this article, is this video..



Tuesday, April 01, 2014

Commuting in the Philippines

Ever since I was allowed to go out (on my own or with friends, relatives or yaya), ako ay best in commute.  Hanggang ngayon, commute pa rin ako.  YES, hindi ako marunong mag-drive.

Masyadong mainit na usapin ngayon and transportation system sa Pilipinas (most especially ang MRT).  Dahil sa sabay-sabay na road constructions (EWAN KO BA KASI BAKIT PINAGSABAY-SABAY E!!!!!!!), most of us are forced to take the public transport para iwas traffic.

This is at the North EDSA Station of the MRT.  Kita mo na super over-flow na ng tao ang station na ito.  At this station, dito sumasakay yung mga taga Northern Part ng Manila, isama mo na mga taga-Bulacan.  Ang lala diba? Everyday yan ah..

Seeing this picture, alam mong hindi masaya ang commuting life ng mga Pinoy.  Every day, majority of the commuters have no choice but endure this. :(


If I will go to Trinoma (South to North!!!), given na ako ay mag-ko-commute (hindi kasama taxi) from our house ganito ang list ng mga sasakyan ko.

From the house, I'll ride a tricycle.  Pagkarating mga main road, pwede ako either mag-Jeep/Bus/FX hanggang Baclaran. Then from Baclaran pwede ako either derecho na ng Bus to North or jeep muna to MRT then sakay MRT to Trinoma.  Since madaming stop over ang Bus and mas matagagalan ako, MRT is the best policy talaga.

----

Madami na rin ako naranasan sa pag-ko-commute.  Ilang beses na ako nawalan ng cellphone sa bus.  Naka-witness pa ako ng malalalang shoot out sa EDSA at wala kaming nagawa kundi manatili lang sa loob ng bus na walang driver! Ilang beses na rin ako nakipag-away sa MRT pag may mga pasaway na tao.  Ang dami ko na ring tsismis na narinig habang nakasakay sa jeep pauwi.  At ang dami kong nakakatawang moment sa FX na hanggang ngayon natatawa pa rin ako pag naaalala ko.

Dahil sa pagko-commute, madami na rin akong lugar na alam puntahan.  Ako na nga rin ang tanungan ng mga kaibigan kung paano ba pumunta sa ganito etc.  I'm now a walking Google Map! Hahaha.  Dahil din sa pagko-commute, naging independent ako.  Maiintindihan mo ang buhay ng Pinoy sa pag-ko-commute.  Sa dami ng iba't ibang klaseng Pinoy (at hindi Pinoy) na nakakasabay, nakakahalubilo mo araw-araw, more or less pwede naiintindihan mo na rin ng takbo ng buhay.

----

So, san tayo next?