PBB Teen Edition

Hay.. Pinoy Big Brother na ulit.. This time, with the
Teens naman.. Last installment na to ng PBB kasi
i heard 3 seasons lang ang binili nila for franchise.. Anyway.. Maaga pa siguro magsalita about the show pero, I don't like it.. I don't like it pero pinapanood ko pa rin siya.. Naiinis kasi me sa mga casts ngayon..
LAHAT may problema.. Feeling ko isa yun sa mga criteria sa audition nila..
na dapat may PROBLEMA kang mabigat.. punyeta lang kasi.. kanina sa napanood ko, nag-share yung isa na meron silang
financial problem kaya siya sumali dun..
good luck, tapos yung isa sabi niya ganun din daw sila.. eto pa.. pag tapos nun yung isa naman may problema din.. yung sa kanya naman, sa parents naman..
may ibang family yung daddy.. hala sige..!! nagsunuran na ang iba.. almost na sa kanila, ganun din ang problema.. ano
mangyayari sa kanila sa loob kung everyday na lang sila mag-iiyakan? ganun ba dapat ang pagiging natural? kasi feeling ko yun yung gusto nilang iachieve..
pero kailangan ba ganun? ndi ba nila naisip yung parents or family nila outside the bahay? tsaka dapat ba talaga i-share talaga? yun yung tanong ko eh.. maraming bagay na pwedeng i-share sa iba.. ndi yung puro problema.. hay.. something is just wrong.. tapos eto pa.. halatang
malalandi ang both boys and girls na kasali.. 1st day palang, nung nagdesignate ng tao na mag-aassign ng hihigaan nila.. sabi nung babae,
PWEDE BANG MIX? punyeta..!!
pagsasamahin ang babae at lalaki sa room? nag-iisip ba siya? tapos kanina dapat daw
mag-googood night kiss sila sa bawat isa bago matulog.. sana sa susunod na episode eh maging maayos na yung flow nung show.. ndi lang talaga maganda.. ndi nila kailangan magsabi ng mga sad stories nila para lang manalo sila sa show.. kung ganun lang pala ang basehan,
dapat lahat na lang ng poverty drenched teens ang kinuha.. pa-sadan sila ng kwento.. diba? ndi naman sa inaaano ko yung mga mahihirap.. hello kasi kung problema ang gustong pag-usapan,
panalo na sila sa dami at gravity..!!
No comments:
Post a Comment