Tuesday, May 30, 2006

DALAGINDING
Dalagang Bading

kagabi featured sa I-witness ang docu na ito..
DALAGINDING..
ang cute nung docu..
3 part sya..

1st.. about kay Dexter..
7 years old pa lang sya..
mga friends nya girls lahat..
ung story nya kung ano yung pananaw ng mga
tao sa lugar nila sa kanya syempre pati ng family nya..

2nd.. they call themselves The Powerpuff Gays..
3 friends sila..
puro bading..
taray nito..
nag-journey pa silang 3 sa baguio dahil yung isa sa kanila,
may-aaminin sa lolo nya..
tapos yung 2, moral support..
winner to..!!

3rd.. Pussycat Gays
4 naman sila..
and yes, puro bading din..
eto ang pinaka-level sa lahat..
sila na yung nth stage ng pagiging dalaginding..
mga nag-pepekpek shorts na..
spaghetti strap..
at BRA..
pero ang pinakanakakaloka sa lahat..
at their tender age..
nag-piPILLS na sila..!!!
HORMONAL PILLS..

while watching the documentary, ang nasabi ko lang sa sarili ko, "I remember the days.." hahaha.. totoo.. makikita mo kasi yung sarili mo nung ganung edad ka pa.. kasi when people ask kung kelan ko daw nalaman na bading me, sabi ko since childhood.. pre-nursery nga alam ko na eh.. kaya ndi na ako na-shock dun sa mga bata na alam na nila at an early age..
dahil dito.. pwede itong gawing MEME..


Anong mga naaalala mo nung bata ka (gay childhood memories ah..)? Yung mga happiness lang.. Wag na yung mga masasama.. Okie?


** MS. UNIVERSE. nung bata ako, lagi kaming naglalaro ng Ms. Universe.. nauso pa naman yun kasi sa Manila ginanap yung Ms. Universe 1994.. memorize ko pa lahat ng names and countries nila dati.. at sa aming role playings, ako lagi si MINORKA MERCADO, Ms. Venezuela.. katcha/kumot pa ang mga ginagamit naming gown..


** BARBIE DOLLS. siyempre I don't own one noh?! sa younger sister ko lang.. at ito pa ang masama, ginupitan ko ng hair.. from long hair, naging apple cut..!!


** PINK RANGER/PINK FIVE/PINK MASK. kahit power ranger man, bioman o maskman, isa lang ang character na gusto ko..!! PINK ladies..!!


** MAKE-UP and HIGH HEELS. sino ba dito ang ndi pinaglaruan ang make-up at suotin ang high heels ni mudang o ni ate.. hahaha..


i pass this to my gay friends na nasa list ko.. ayokong mag-name names kasi baka ndi pala siya bading, magalit pa..!! hahaha..


*****


Buddhist Thoughts for The Day


The sincerity of making offerings to the Lotus Sutra at the beginning of the New Year is like flowers blooming from trees, a lotus unfolding in a pond, sandalwood blossoming on the Snow Mountains, or the moon beginning to rise….. those who believe in the Lotus Sutra will gather fortune from ten thousand miles afar. (NEW YEAR'S GOSHO, Major Writings of Nichiren Daishonin, Vol 1, p 272)

No comments: