Wednesday, June 07, 2006

A Trip to Ilaya (Divisoria)

Diba sa title palang feeling nyo first time ko..
Hehehehe..
Mataggal na me nagpupunta sa Divisoria..
I actually love 168..!!
Divisoria Mall din..
Tsaka dun kami bumibili ng tela for uniforms and stuff..

This time, ibang experience naman eto..
Yung friend ko na buddhist din ay may stall dun..
Sa Ilaya..
Daming tao..
Siksikan pa..
Nagbebenta sila ng school supplies..

Nagpunta me kasi sabay kami punta sa meeting namin..
Meeting refers to our buddhist meeting..
1st day pala ng class yun..
So, binibigay na lahat ng kailangang supplies for school..
Daming tao..!!
Lahat may dalang papel/listahan..

Listahan:
Grade 1,2,3,4 pad
Cartolina
Paste
Art Paper
Theme Writing
Writing Notebook
Protractor
Compass
Plastic Envelope
Brown Envelope
Manila Paper
Floor wax
Basahan
Shoerag (yung sinusuot sa paa na bunnot pero tela)
etc, etc, etc..

Dun ko lang nalaman na iba't iba pala ang pad..
Iba-iba per year level..
Malay ko ba?
Ndi ko naman napansin nung ginagamit ko dati..
Tapos pati floor wax, basahan and shoerag kasama sa listahan..
Public school kasi kaya the cleaning job nakasalalay na lang sa students..

Sa isang listahan mga 150-200 ang nagagastos ng bawat mamimili..
Naaawa naman ako sa iba kasi kahit mura na yung gamit, di pa rin nila kaya..
Gusto ko nalang ngang dagdagan eh..
Mejo nagbenta-benta din ako dun ng konti habang hawak ko ang bag ko..
Syempre dapat careful ako..
Mamya may kumeme ng bag..

Yung mga binebenta dun, same lang sa national bookstore..
Mas mura pa..
Kung P15 sa national, P9 lang sa kanila..
Pero yun nga, yung lugar lang..

Sa araw na yun, makikita mo talaga na mahirap ang buhay ngayon..
Buti nalang may Divisoria noh?
Kung wala, kawawa naman ang mga Pilipino..



No comments: