Monday, December 25, 2006

Christmas Eve
(naman, Dec. 24, 2006!)

*paskong pasko.. ang haba-haba ng tinype ko..
tapos nawala lang? gggrrr.. anyway, eto ulit..

my family and I went to 168 mall..!! hay.. suking-suki na ako ng 168.. reyna ata ako nun?! dyan ko lagi buy mga bags ko.. yup, MGA bags.. meaning madami na.. madami me bags from 168 kasi, ilang gamitan lang, sira na agad..!! sino ba naman ang hindi mapapabili ulit.. pero at least, iba-iba ang bag ko..!! hehehe.. pero kahit ganun, I keep coming back to 168.. ang saya lang mamili-mili dun.. for xmas, I bought shirts, wallet and you guessed it right, bag..!! yun lang naman mabibili mo for "guys" eh.. ayoko pa naman bumuy ng pants dun.. wit ko feel.. pag babae ka, maloka ka sa dami mong mabibili.. buti di masyadong siksikan sa mall.. kumonti na ang mga taong namimili.. at may nabalitaan akong gustong umeksena ah.. gustong agawin ang korona ko.. ayan siya sa picture.. gaga!! hindi yang mga chinese na yan.. yun yung naka-ternong green.. kalowka.. pupunta ng 168 ng nakaterno.. very Filipino.. and nag-iisang fashion icon - IMELDA!!! (pictures were not taken during the same day.. nakuha ko lang siya sa net.. tsaka ayoko siyang makasabay..!!) pansinin nyo ang mga katabi ng lola mo, sa bang direksyon nakatingin at hindi kay Imelda.. sino kaya ang isa pang dumating? balita ko madami daw bags.. hahaha..!!

then, we're off to Ongpin para maglunch/merienda.. 4pm kasi kami natapos sa 168 eh.. we ate peking duck, siomai, and tofu.. yumyum..!! tapos like what most people do in Ongpin, maglakad-lakad.. hindi bagay dun ang magcar kasi siksikan.. lalo na pag-Chinese New Year.. good luck sa sikip.. we bought some fudang na ihahanda sa noche buena.. then uwi na kami.. dumaan kami sa may Luneta.. at napansin namin na super dami ng tao.. " May rally ba," I asked myself.. Hindi pala.. Kaya pala madaming tao dahil today ang Parade of Stars.. sabi nila mudang park daw kami muna sa may kalye and wait for the floats.. 1st float, "Tatlong Baraha." Compared to lugaw, may itsura pala si Mark Lapid ah.. Yep, Mark Lapid our famous "SAGIIINNNGGG!!" guy.. Kumpleto talaga ang Lapid clan.. Ultimo si Jess Lapid nandun.. Sayang kompleto na sana sila kung nandun si R.Lapids! Chos!!

eto talaga ang highlight ng aking blog.. ang susunod na float.. "Super Noypi".. I saw Katrina Halili (maganda siya ah.. maliit lang fez nya!), Sandara Park din ang ganda.. John Prats panalo (crush ng kapatid ko)... si Polo naman hottie (crush ni mudang).. at xempre dahil nandun si Mark Herras..!! naka white t-shirt siya.. tapos nakasuot siya ng glowing devil headband.. at red ang ibang parts ng hairlalou niya.. water na water na me when I saw him.. he's hot.. hotter than hell..!! kapatid ko and mudang ko eh todo sigaw.. eh ikaw, walang magawa.. ang drama ko sa mga moment na yun ay dead ma.. KJ ang image ko.. kunyari I'm not enjoying the parade.. bakit naman kamo? katabi ko si pudang..!! aber sige nga, anong gagawin ko? binubuhos ko na lang ang pagnanasa ko kay Mark sa aking mga isip.. sa isip na lang me magwawater.. sa isip nalang me magfifinger (ay ang bastos!!).. che..!!
nasan kamo ang ibang float? WALA ng sumunod..!! balita ko na lang sa radio, wit na sila.. nasiraan..!! nakakaloka..!! kawawa yung mga libo-libong tawowo sa kahabaan ng Roxas Blvd.. so, sa January na lang sila ulit bumalik.. wawa talaga..
got home.. nagbalot ng ibang gifts.. pinamigay sa tito, tita, pinsan.. binigyan din nila me.. nag-games ang mga bata.. P20.00 ang prize.. umuwi ulit ng bahay.. kumain ng steak, liempo, lasagna, and my favorite -- 3 layers of HAM and MAYONNAISE..!!

No comments: