Friday, July 06, 2007

LIVE EARTH



ilang oras na lang ay magaganap na ang BIGGEST concert event ng taon.. mga bakla! ndi ito ang pagbabalik ng mga spice girls!! magaganap na ang LIVE EARTH: The Concerts for Climate in Crisis.. nakakaloka.. ito ay gaganapin sa 7 continent (buong mundo talaga ang drama!) at 150 music icons ang magpeperform dito!! At gaganapin ito sa July 7, 2007 (7/7/07) diba puro seven? Habang ang lahat ay nakikibaka para sa mundo, ito namang lola Eva Longoria mo ay ikakasal sa araw ding yun! Diba deadma ang drama? Hahaha..

Ano sabi ng Miss Earth dito? Hindi lang sila ang with a cause noh?! naku for a cause talaga ito! dahil gusto nilang maging aware ang mga tao sa nagaganap ng climate change! naku, feel na feel ko yang crisis na yan ah. ndi mo alam kung uulan ba o aaraw? kung mainit, sobra naman ang init. kung uulan, good luck naman sa ulan. buti nga hindi gaano kalala ang epekto dito sa Philippines. ndi ko na alam gagawin ko pag lumala ang sitwasyon dito sa Pilipinas. panoorin ninyo ang An Inconvenient Truth ng malaman ninyo ang sinasabi ko.

if you wanna pledge (don't worry, safe ang allowance ng jowa mo.. walang donation na pera dito!)for the earth, Simple Lang. kaya mga bakla, makisama sa initiative na ito. tulungan natin ang ating Mother Earth sa munting paraan na ating makakaya. malay niyo kayo naman ang tanghaling susunod na Miss Earth?
Simple lang, pledge for the planet!

No comments: