pinaka-ayoko sa lahat ang umulan..
sa kababawang rason na ayaw kong nababasa ang sapatos ko..
ayoko ko din magdala ng payong pag may ulan..
dahil, ayoko ng basang effect na dulot ng payong pag bitbit mo na siya pagtapos ng ulan..
flashback #1(naalala ko lang noong bata pa ako)
meron kasi akong raincoat and umbrella na transparent.. matching talaga ang dalawa.. hinintay ko talaga na umulan.. para magamit ko ang raincoat at payong ko! at nang umulan na, sinuot ko agad ang aking raincoat at lumabas ng bahay.. nakatayo lang ako sa labas habang umuulan suot ang aking..(sabay sabay tayo) TRANSPARENT RAINCOAT and UMBRELLA!
flashback #2(naalala ko lang noong college pa ako)
pag sakay ako ng fx at umuulan at lalo na pag nasa may window side ako, nag-iimagine ako na may mtv akong ginagawa..ang eksena, naka-lean ako sa window habang may mga tubig na bumabagsag sa sides nito while singing, "Pangarap Ko'y Ibigin Ka".. xempre usual mtv, nag-eemote emote while singing.. tapos bababa ako ng fx (kumakanta pa rin), at pupuntang SM.. tulak-tulak ko ang shopping cart ng supermarket.. yun, dun lagi napuputol ang eksena..
pero noong mga nakaraang araw, natuwa ako sa ulan/bagyo.. dahil alam kong may problema sa water suppply sa Angat Dam.. and i know na if it rains, dadami ang tubig.. ganun lang ka simple..
pumalakpak talaga ako noong nakita ko sa news na bumalik sa normal level nito ang tubig sa Angat Dam.. salamat naman.. pero kulang pa daw ang ulan.. marami pang natutuyong palayan.. for this reason alone, gusto ko muli ng ulan.. sabi nga ng Secretary ng Department of Agriculture, " I don't need typhoon. I need monsoon rains." Choosy ka sir?
-----
Buddhist Thoughts
Neither the pure land nor hell exists outside oneself;
both lie only within one's own heart.
Awakened to this, one is called a Buddha;
deluded about it, one is called an ordinary person.
The Lotus Sutra reveals this truth, and one who embraces the Lotus Sutra will realize that hell is itself the Land of Tranquil Light.
Hell Is the Land of Tranquil Light - WND, 456
5 comments:
Gusto ko ng ulan kung nasa bahay lang. Pero kung gigimik at umuulan?... ibyereney ketch!
ini-imagine ko ang fez mo noong bata ka at nagpa-ulan outside with the raincoat... so bading!
@lyka: hahaha.. corrected by.. with matching paikot-ikot pa ng umbrella kong TRANSPARENT!
winner winner! moody ako sa ulan.. minsan gusto ko, minsan hate ko... sigruo love ko ito kapag nasa kabahayan ako while sipping my hot milo... pag nasa labas??? please!!! mag-aala maricel ako... ayoko ng putik!
ayokong nababasa ako ng ulan ng maynila! so filthy!!!
choosy ka sir? ang taray. talagang diosa.
@kalansay: milo talaga! hahaha.. filthy? filthy ang unan mo!! hehehe..
@mandaya: namimili pa kasi eh..
Post a Comment