Tuesday, October 23, 2007

UMPOG SA PADER



(click the picture para makita yung ginagawa ng pix)

ganyan ang gusto kong gawin sa sarili ko at this very moment.
i-umpog ang ulo sa pader!
in short, gusto kong matauhan.


kelan ba tayo dapat matauhan?
pag hindi na kayang magtiis?
pag labis nang nasasaktan?
pag hindi mo na kaya?
actually, LAHAT.

some years ago pa nga dapat ako natauhan.
choice ko naman na matauhan diba?
pero i chose not to.



well, kinaya ko
(ulol! sino niloko mo?)
well, tiniis ko
(tiniis mo talaga!)
well, pinilit ko
(tanga ka kasi!)



putang ina!

TANGA na kung TANGA!



pucha! ang sakit sakit na! mas kakayanin ko pa ang sakit ng pagkakaumpog sa pader kaysa sa sakit na nararamdam ng puso ko ngayon!


hindi na kasi dapat humantong pa sa ganito eh.
hindi ko na dapat pinagpatuloy pa.
matagal ko na dapat itong pinatay.
mali, dapat siguro sariling puso ko na lang ang pinatay ko!


akala ko naubos na ang mga luha ko dati pa.
akala ko naiiyak ko na ang lahat.
meron pa pala.


hindi ko alam why i chose this.
hindi ko alam bakit pinili kong masaktan.
hindi ko alam bakit pinili ko pang magmahal.


naalala ko tuloy..
SIYA: hindi kasi puso ang ginagamit sa pagmamahal.
AKO: kung hindi puso, bakit masakit to! (pointing to my heart)


pagkatapos kong i-post to,
matatauhan na kaya ako?










sana.

11 comments:

Lyka Bergen said...

O? Ano natauhan ka na ba? Mahirap ang me sakit sa puso. Pero pls lang. Ang sa puso sa puso lang. Wag idamay ang ulo. Tenkya!

mrs.j said...

hindi na kasi dapat humantong pa sa ganito eh.
hindi ko na dapat pinagpatuloy pa.
matagal ko na dapat itong pinatay

- ANU BA NAMAN KASI ANG GINAWA MO?!
SINU TO... SIA PARIN BA...ANG NAGIISANG ASIAN GUY?

goddess said...

@lyka: panget naman kung dibdib ko ang iumpog ko diba? chos.

@mrsj: wit siya. iba.

ruff nurse-du-jour said...

well, deaths aside, break-ups are one of the most difficult things in this world...

sabi nga sa text:

"the minute you think of giving up, just think of the reason why you were holding on for so long..."

you held on for a reason goddess. =) i wish you well. don't be too hard on yourself. =)

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

kawawa ka naman.

kawawa ang ulo ko.

kawawa ang pader.

kalimutan ang mga lalaki, pare-pareho silang lahat!

ching lang!

Kiks said...

kaya hindi ako umiibig eh...

ay defensive?!

makakayanan mo yan, bakla.

at pag nagtagumpay ka, bukas luluhod sila sa dyosa.

goddess said...

@ruff: hay. tnx.

@mandaya: mrs. orlis ka na kasi eh..

@kiks: ako lang kasi lagi ang lumuluhod! hahaha.

kalansaycollector said...

choice nga goddess kung gusto mo ng tumakas.

hindi ka tumatakas kasi gusto mo pa rin.

ayaw mo mang aminin, ayaw mo talagang matauhan.

;p

goddess said...

@kalansay: actually..

Anonymous said...

umayos ka. matatauhan ka din nena.

goddess said...

@jackie: hay..