Monday, January 21, 2008

Maalaala Mo Kaya



Dear Ate Charing,


Sumulat po ako upang ibahagi sa mga mambabasa ang kwento ng aking kaibigan. Itago na lang po natin silang, Jack and Jill.

Si Jack at Jill ay magkakaklase sa kolehiyo simula first year. Si Jack ay taga-probinsya. Naka-flat tops ang buhok at may bigote pa ito. Si Jill naman ay isang "Manila Girl". Ubod siya ng ganda. PERIOD.

Jill: Nyay. Probinsyano!
Jack: Gwapo naman!
Jill: Che!


Lagi silang magkaaway noong sila ay 1st year. Magkatabi silang umupo dahil alphabetically arranged ang seat plan sa halos lahat ng class. Naalala pa nga ni Jill ang pagpapasa ng mga porn cds ni Jack at ng isa pa nitong classmate kaya inis na inis ito sa kanya lagi. Si Jack at Jill pala ng mga panahong ito ay relasyon sa ibang tao.

Noong 2nd year na sila, medyo nagbago ang lahat. Medyo naging close sila. Nandun pa din ang asaran, pero minimal na lang. Isang araw..

Jill: (sa phone) Nandyan ba si Jack?
Jack: O, bakit?
Jill: Diba malapit lang bahay niyo sa ABS-CBN?
Jack: OO, bakit?
Jill: Pwede mo ba akong samahan sa Bantay Bata? May project kasi ako sa Student Council.
Jack: Ok sige.


Sa mga panahong ito, nagkakasama din ang dalawa sa library kasama ang iba pa nilang classmate upang mag-aral para sa kanilang exams (prelims and finals). Ilang araw din silang pabalik-pabalik sa Bantay Bata dahil sa dami ng requirements dito. Lagi na rin silang magka-usap sa fone.

Hanggang sa kalaunan..

Jill: (on phone) Ano?
Jack: Anong ano?
Jill: Ano na nga tayo?
Jack: Sabi ko sa ex ko na hindi muna ako magkaka-gf.
Jill: Ah, eh di wala na. (iyak)
Jack: Hindi ko alam.
Jill: Eh may usapan pala kayo eh. (iyak)
Jack: Ewan ko.
Jill: Bahala ka na nga. Kasalanan ko bang may nararamdaman ako sayo.
Jack: Ako din naman eh.
Jill: (iyak)
Jack: (iyak)

Naging sila na. Itinago nila ang relasyong ito. Hindi ito maaring malaman ng iba. Dahil si Jack ay tunay na lalake at si Jill ay lalake na babae ang puso.

Masaya naman ay kanilang naging pagsasama. Nagpapalitan pa sila ng mga love letters nila. Nagsusulatan ng notes habang nasa class.

sa isang sulat ni Jack kay Jill:

"Kung sinasabi mong hindi kita mahal, fuck you! Wala akong pakialam kung bading ka. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako na-inlove sa bading. Basta ang alam ko, mahal kita."

May mga ka-naughtyhan things din. Masaya sila. Masayang-masaya. Minsan, sila ay nasa school ng linggo upang magkita at mag-aral.

Jack: Nandyan na parents ko. Sinusundo na ako.
Jill: Ok sige. Alis na din ako.


Lumalakad palabas ng gate si Jill ng biglang dumaan ang kotse nila Jack sa harap nito. Nagkatinginan sila.

Jack: (text) Hinding-hindi kita iiwan.
Jill: (text) Ako din.

Ngunit minsan, dumarating ang kanilang pag-aawayan.
Jack: Sabi ko na sayo eh. (sabay suntok sa tiyan)

Naglabasan ang mga classmates nila sa room

Jill: (iyak)
Jack: Kaw naman kasi eh.
Jill: (iyak)
Jack: (naiiyak) Sorry na. (sabay kiss, punas luha ni Jill).


Ilang beses din naganap ang mga ganitong pangyayari. Minsan mas malala pa. Minsan sa public place pa. Hanggang sa isang araw nag-away sila ng sobra sa loob ng classroom. Inawat na sila ng mga kaibigan. Lumabas si Jill sa classroom.

Jill: Tawagin niyo siya. Gusto ko siya makausap.
Classmate: Wag na muna, baka mag-away lang kayo.
Jill: (texting Jack) Labas ka. Usap nga tayo. Sorry.
Jack: (on text) Hindi na. Tapos na tayo.
Jill: (text) Ano ba? Mag-usap tayo.
Jill: (text) Hoy, ano ba?
Jill: (text) Please naman.

After 1 year and 9 months, nagbreak na sila.

Lumipas ang araw at birthday na ni Jill. Nagpunta ito sa bahay ni Jack kahit na hindi na sila. Mahal pa rin ni Jill si Jack. Habang nagluluto ng pagkain si Jack, napansin ni Jill ang isang cellphone na hindi naman kay Jack. Binuksan ang inbox.

Jill: (hinagis ang cellphone) Ano ito?! Kala ko ba.
Jack: Bakit kasi nangialam ka?
Jill: (hysterical) Tarantado ka. Shit ka. Sakit!
Jack: Tama na.


Umakyat si Jill sa kwarto at nag-lock ngh pinto. Pinilit itong binuksan ni Jack. Nadatnan niyang iyak nang iyak si Jill.

Jack: (iyak) Ano ba? Tama na.
Jill: (struggle) Sabi mo walang iba.
Jack: Hindi mo kasi naiintindihan.
Jill: (pinapound niya si Jack) Niloko mo ako! Niloko mo ako!
Jack: (yakap-yakap si Jill) Tama na. Di ko naman gusto ito. Matagal na kita dapat hiniwalayan. Nalaman ni Mama at Papa. Nabasa ni Mama mga sulat mo saakin. I-didisown ako ni Papa pag hindi raw kita hiniwalayan. Mahirap to para saakin.
Jill: (iyak) Wala na rin naman akong magagawa. Alis na ako. (kiniss si Jack)


Simula noon, hindi na sila magkasamang mag-aral sa library, hindi na sila sabay aalis ng school, hindi na sila sabay kumain ng lunch. Sa classroom na lamang sila nagkakatabi muli. Hindi naman kinaila ni Jill na may nangyayari pa rin sa kanila ni Jack kahit wala na sila. Kasi nga daw, mahal pa rin niyo ito.

Jack: Wag mo na kasi akong mahalin. Iba na.
Jill: Hindi ko kaya eh. Ikaw sabi ng puso ko eh.
Jack: Puso puso. Hindi naman kasi puso ginagamit sa pagmamahal eh. Utak!
Jill: Anong hindi, eh bakit masakit dito? (pointing sa dibdib/puso area)

Hanggang ngayon, ganun pa rin ang estado nila. Si Jack pa rin at ang kanyang gf. Si Jill naman, kahit madami ng dumaang ibang lalaki (ngunit hindi naging sila) si Jack pa rin ang gustong makasama.

Sana po ay naibigan ninyo ang kwento ng aking kaibigan. Marami pong salamat.

Lubos na gumagalang,
goddess.

******

Imposible nga ba ang ganitong uri ng relasyon?
Ang relasyon ba dapat Lalake-Babae lamang?

Kasalanan ba ang relasyong Babae-Babae o Lalake-Lalake?
Sabi ng mga Kristiyano, OO, bawal ang ganitong relasyon.
Buti na lang Buddhist ako.

Ang pag-ibig ba ay ginawa lang para sa Babae-Lalakeng relasyon?
Kung hindi pag-iibigan ang nararamdaman nina Jack at Jill, eh ano?
Libog? Madaming babaeng pakantot dyan! Madaming lalakeng pachupa dyan!
Sino tayo para sabihing hindi totoo ang pag-ibig nilang dalawa?
Pag umiiyak ang lalake dahil nasasaktan niya ang bading, hindi ito dahil sa pag-ibig?
Pag nagsusulat ng love letter ang lalake at sinasaad ang buong puso niyang pagmamahal dito, masasabi ba nating, peke ito?
Sabi nga ni Jack kung di ka naniniwala, "Fuck You!"

Hindi ko sinasabing perfect ang relasyon nilang dalawa. Tignan mo, naghiwalay din sila. May gf na itong si Jack. Kung iisipin mo, hindi ba ito nangyari dahil din sa pagmamahalan ng dalawa? Si Jack, hiniwalayan niya si Jill dahil sa alam nitong pareho lang silang masasaktan at may mas deserving sa pagmamahal nito. Si Jill, pinalaya si Jack kahit masakit kasi alam niyang doon siya magiging masaya. Tanggap niya na may mga bagay na tanging babae lang ang makakapagbigay sa lalake. Ngunit kahit na sa ganun, patuloy pa rin niya itong minamahal.

Ang relasyong babae-babae o lalake-lalake ay pareho lamang sa mga heterosexual na pagmamahalan. Ang kinaiba lang, sa babae-babae, ni isa sa kanila ay walang titi. Sa lalake-lalake naman, ni isa sa kanila, walang puke. Sagutin niyo nga ito, sino ba nagsabi na ang puke ay para sa titi lamang?

Hanga ako sa mga lalakeng may mahal na bading. Hindi dahil pinatulan ang katulad kong bading, ngunit sa kanya mo makikita ang tunay na pagmamahal. Nakuha nilang pumasok sa isang komplikadong relasyon. Kahit ano man ang masabi at sinasabi ng iba, wala siyang pakialam dito. Sila ay ang mga taong pinakamarunong magmahal, dahil sa ang pagmamahal nila ay hindi naka-base sa kasarian ng isang tao. Nagmamahal sila dahil sa mahal nila ang tao at hindi dahil sa mahal nila ito dahil ito ay babae.

Hanga din ako sa mga bading na nagmamahal, kahit alam nilang isang araw, mawawala ang lalakeng mahal nila, minamahal at minamahal pa rin ito. Hindi lang yun, magaling pa silang chumupa! Hahaha.

18 comments:

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

palakpakan para sa diosa!

cant_u_read said...

para pala yang kwento ng chubby kong kapatid tsaka nung jonas person (the way i perceive it). pero di sila magkaklase.

goddess said...

@mandaya: salamat, salamat..

@cant: kwento ko ba ito? hehehe.. jack and jill! alam naman din ito ng chubby mong sisterette.. may mga pareho kaming aspesto.. hay..

Anonymous said...

Grabe... na touche' ang fuki ko!

Anonymous said...

sabi nga ng friendship ko "ang mga bakla, kung magmahal, times 2 kesa sa normal. kaya kung masaktan eh times 2 din.

love your post.

Kiks said...

anuva... goddess, you're sucha!

big clapping habang wipe ang tears.

goddess said...

@jase: naku ah.. bka iba ng naramdaman ng puke mo.. ayokong itouch yan! hehehe..

@charmedone: un nga lang.. pag nagmahal ka naman, ieexpect mo na rin na masasaktan ka.. no regrets for me..

@kiks: ikaw ang may kasalanan nito!!

jericho said...

naku goddess. ang godly naman ng kwento na ito. jack and jill na pang R-18. come to think of it, why is it that jill is always the one tumbling after?

goddess said...

@jericho: natauhan kasi si jack (jack fell down and brown his crown).. kaya yun, iniwan nya si jill at luhaan ito (and jill came tumbling after).. hehehe..

Bryan Anthony the First said...

basta may batuhan ng celfone, wagi!

ahahaha

kalansaycollector said...

ngayon ko lang narinig (nabasa) ang buong kuwentong ito.

panalo.

pangMMK talaga.

at i love the lines ha? pangbest screenplay sa FAMAS! hehe

goddess said...

@bryan: hindi talaga mawawala ang ganyang eksena sa mga top 10 away scenes..

@kalansay: now you know the story of jack & jill.. ;(

mrs.j said...

naririnig ko talaga si tita charo explaining!!

ngunit may kulang?! ang bUS? ang likod ng podium?!

goddess said...

@mrsj: hahaha.. pang Xerex na yun ate.. hehehe.. pero wala ng Xerex diba? So, wala ng pagkakataong maikwento ito! hehehe..

Rachel said...

Very entertaining.
So true.
I share the same.
See--

http://damnprettyrachel.blogspot.com/2008/01/gay-chronicles.html

Anonymous said...

See my contribution

Anonymous said...

goddess richard..preho tau ng love story huhuhu.. T_T ..pang xerex xaviera nga kso nga lan wala na..sa kwentongkalibugan.net post mo haha..sure yan 5 star ang ratings..hihihi

goddess said...

@kenneth: nalibugan ka ba sa story nila? hhmm.. too think walang sex sa story ah.. amazing! chos!