Sunday, March 16, 2008

UTANG NA LOOB!

This will be a new segment in my blog. UTANG NA LOOB! (not to be translated in English, kasi mga iiba ang meaning) will present goddess' view on current issues in the Philippines, kung meron interesting sa world, why not? THIS IS JUST MY VIEW.

For my primer, 2 current events ang aking tatalakayin.

1st. Bb. Pilipinas-World 2008 Janina San Miguel

Ang ganda! Tama, maganda nga siya. Maganda LANG. Pinag-usapan na ito hindi lang sa gay community, kundi sa lahat na ata ng community sa Pilipinas. Sa sagot at Ingles na mali-mali, sino ba naman ang hindi pag-uusapan. Sinagot na din nya ang issue, ang sabi nya, "History na ito!" Naman! History ka talaga. Dahil ikaw lang ang bobang nanalo sa isang beauty contest! At sino bang nagsabi na lahat ng nasa History eh magaganda bagay? Kahit mga kriminal nasa History na noh?! Un pa kayang boba. Sabi nga sa isang blog sa wordpress na nabasa ko (pasenxa nakalimutan ko address), ndi naman sa maling grammar kaya naging mali si Janina eh, dahil daw ito sa maling sagot nya sa tanong. Ang tanong role ng family, ang sagot importance ng pamily! Un ang boba!

Ruffa Gutierrez was asked about this. Sabi nya, "... judged not only for the beauty, but also for the brains." Naman! Kaya sa punyetang Bb. Pilipinas organizers yan! Kesho hindi naman daw basehan sa Miss World 2008 ang Question and Answer portion. Punyeta! Last ko ng sasabihin ito, "Wah ako pake kung walang Q&A sa Miss World! Anak nampota! Ni minsan ba, ndi siya kakausapin ng mga janice hurado? O kahit ng mga co-kandidata nya? UTANG NA LOOB, kung ganda at ganda lang ang basehan, AKO NA SANA IPADALA SA MISS WORLD! Marunong pa akong mag-chinese!! PIAO SI! chos! PUNYETA! Madaming ARTADI at MONTECARLO dyan na mas maganda pa kay Janina, sana sila nalang ang ipadala (buhayin ba ang swestiyon ng husto husto?!) Or sana, mga PIPI na lang pinadala natin, at least sila for a cause ang drama!!" Janina, UTANG NA LOOB mag-aral ka pa!

2nd. Nanalo na naman si Manny Paquiao!

Congrats to Manny for winning again. Yayaman na naman siya. Dadami na naman ang endorsements nya. Tatakbo na naman siya sa 2010 (malay natin diba?). Naisipan nga dati eh, ngayon pa kaya? Madadagdagan na naman ang TV show nya. Ano? May TV show si Manny? NAMAN!

Siyempre masaya na nanalo siya diba? Pinoy siya. Pride na din natin yun, diba? Ang hindi ko lang ma-take eh yung mga statements niya lagi. Na "kahit na mabugbog ako, para naman sa bayan ito," or "ginagawa ko lahat to para sa mga Pilipino," or "gusto ko lang naman mapasaya ang mga tao sa pagkapanalo ko, " at "sana magka-isa na tayong lahat" aahh.. napaka-nationalistic mo naman Manny. Kaya pala may kinikilinggan kang politiko noh? How sincere naman of you. Para pala sa bayan yang ginagawa mo. Eh san ba napupunta mga cash prize mo? May napupunta ba sa naghihikahos na mamamayan ng Gen San? Balita ko madami pa ding mahirap dun? Ano ba namang kahit mga taga-Gen San lang muna ang tulungan mo? Alam kong ndi mo responsibilidad yun, pero sinabi mo sa TV, nag-press release ka eh! Kaya Manny Pacquiao, UTANG NA LOOB kumilos ka.



13 comments:

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

amen.

mrs.j said...

SANA IKAW NALANG ANG MS. WORLD?!!!

SANA AKO NALANG ANG MS. U!

goddess said...

@mandaya: peace be with you.

@mrsj: naman! ng magka-back to back win ang Pilipinas!

jericho said...

kung si manny kaya ang sumali sa ms. world at si janina ang maging boksingera? hmmm

goddess said...

@jericho: nice suggestion! why not? kung iisipin mo, mas maayos pa mag-english si manny kaysa kay janina noh?!

Lyka Bergen said...

Si Pacquiao, ala Janina rin ang Ingles pero me sense!

Utang na loob nga! Tse!

goddess said...

@lyka: diba?! UTANG NA LOOB! Maganda pa mga runners up eh.

Anonymous said...

kawawa naman si janina. dahil sa isang beauty contest, nahusgahan ang buong pagkatao, hahaha. basta ang importante, bb. pilipinas-world na sya, nakauwi pa ng prizes, at makakapag-travel pa overseas for free!

goddess said...

@mariko: sumali-sali siya tapos ganyan ipapakita nya, kaninong kasalanan yun saakin? kung travel lang din ang pag-uusapan, sana naging stewardess na lang siya! ndi na nya kailangan sumagot ng tanong!

kalansaycollector said...

ay isang malaking utang na loob ang masasabi ko rito.

goddess said...

@kalansay: NAMAN!

cant_u_read said...

in fairness, sablog na ito ko lang nalman na nanalo si manny. sa lahat ng pinagtanungan kong mga kasama kong pinoy dito sa hk, mapa-straight man o hindi, walang nakasagot sa kin. para kaming mga tanga noh?

goddess said...

@cant: hahaha! madami ring kumukwestiyon sa pagkapanalo ni manny kahit dito sa Pilipinas.